Chapter 32

614 24 24
                                    

Vhong's POV

Pagdilat ng mata ko, nakita ko siyang nasa tabi ko.. naka akbay siya sa akin habang ang isang kamay niya ay nakasapo sa ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon, sa ganitong posisyon ba talaga siya natulog? Kung titignan mo ay napakasikip, single bed lang ang size ng kama ko.. halos sakop ko pa ang buong kama. Pagkabangon ko ay inayos ko ang pagkakahiga niya, panigurado puyat siya dahil nung isang gabi niya pa ako binabantayan at inaasikaso.

Lumuhod ako para mapantayan ko siya, marahan kong inayos ang mga hibla ng buhok na nakatabon sa mukha niya. Habang tinitignan ko siya, di ko maiwasang mapaisip..

"Ano kayang trip ng tadhana at inilagay tayong dalawa sa ganitong sitwasyon?" tanong ko sa sarili ko. Simula nung bumalik siya, napakarami nang nangyari.. nagkasakitan kami, naging masaya hanggang sa eto.. naguguluhan sa nararamdaman namin para sa isa't isa.

Kanina, di ko napigilan ang sarili ko.. yung bagay na matagal ng nasa dibdib ko ay biglang lumabas. Nagulat rin ako bakit ko nagawa yon pero.. basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Alam ko natakot si Anne sa akin, kitang kita ko yon sa bawat luhang lumalabas sa nga mata niya.. Wala na ba talaga akong alam gawin kung di ang paiyakin siya?

"Sorry" bulong ko habang marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Nasasaktan ako habang tinitigan ko siya.. dahil kahit na anong mga nasabi ko sakanya, di niya yun inintindi.. kung pano niya ako niyakap at pakalmahin kanina.. di ko alam kung bakit niya ginagawa pa rin ang mga bagay na yon.

"Pasensya ka na Anne kung kailangan mong intindihin at pagpasensyahan ang taong katulad ko" inayos ko yung kumot niya ay hinayaan ko nalang siyang magpahinga.

Alas singko na ng hapon, di pa rin ako okay pero gusto kong bumawi kay Anne kaya naisipan kong ipaghanda nalang siya ng dinner niya, sigurado akong gutom siya pag gising niya.

"Anne.." nilapitan ko siya pagkatapos kong maghain.

"Kain ka na" malumanay kong gising sa kanya.

"Vhong?" nanlaki yung mata niya nang makita niya ako, parang naalimpungatan.

"A..anong kailangan mo? Gutom ka na ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong sakin, hinatak niya ako tska pinaupo sa kama.

"Mainit ka pa rin, bakit ka bumangon?" Kukunin na sa niya yung bimbo sa may side table pero pinigilan ko siya.

"Nagluto ako ng dinner mo, kumain ka na" dali dali siyang pumunta sa may kusina tapos ay binalikan ako.

"Bakit ka nagluto? Nainitan ka, di ka pa nga okay eh.." kung paano siya magalala sa akin ay parang walang nangyari.

"Sige na, kumain ka na don.." tumayo ako para tignan yung mga gamit ko, minsan talaga.. di magandang pinapairal natin yung bugso ng damdamin eh. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang makita ko yung bali bali kong mga stencil at ruler, maski yung ginawa kong drafting board ay nasira din. Yung mga pangkulay ko pati yung mga ballpen ay kasama sa mga na-damage. Hay nako ka, Vhong!

"Sana yung mga unan nalang kasi yung binato mo kanina para di na nasira yang mga gamit mo sa school" sabi ni Anne, nginitian niya ako pero napakamot din siya ng ulo.

"Halika, kainin na natin yung niluto mo" hinatak niya ako papunta dun sa dinning table.

"Bakit isa lang yung plato? Teka kukuha lang ako ng iyo"

"A..ayoko.." wala kasi talaga akong ganang kumain dahil wala akong panlasa.

"Pero.. di ka pwedeng di kumain, Vhong.. di ka na nga nag lunch eh.. may mga iniinom ka pang mga gamot" napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko

Will it be the same? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon