Disclaimer: I don't know anything much about the complexities of the medical field specially the technical aspect when it comes to diagnosis, treatment and prognosis dahil hindi naman ako doktor 😂 pero I'll try my best to make it medyo makatotohanan naman, yung malapit-lapit sa realidad. I'll try to incorporate the reality of hospital protocols here as much as I can hehe
Cont Anne's POV
It's already 2:30am pero hindi pa rin kami natutulog lahat, Vhong is being super closely monitored until now. Nakailang tusok sakanya ng injection kanina, yung pang allergy tapos ay kinuhanan ule siya ng dugo. Until now his temperature remains high.
"Babe.. di ba okay ka na?" tanong ko sakanya habang pinupunasan ko siya, every 10 minutes kasi ay kailangan ni Vhong ng sponge bath, kanina pa namin siya halinhinan na pinupunasan ng basang towel na nilublob sa tubig na may yelo so his hives would go away.
They told me to take some rest at matulog pero I just can't. I can't sleep knowing na ganito ang kondisyon ni Vhong. Every 30 minutes ay chinecheck namin yung temperature and blood pressure niya. His BP was okay, but his temperature, hindi man lang bumababa.
Si Mama, nagiisip siya if she'll use a stronger paracetamol kay Dindin pero ang sabi niya ay maghintay na muna daw kami ng konti, baka bumaba pa with just the simple paracetamol.
"Hon.. diba sabi mo kapag nilagnat ulit si Vhong it means na may infection? Baka dahil dyan sa sugat niya sa balikat ulit yan." Nagaalalang tanong ni Papa kay Mama.
Tinanong ni Papa si Mama pero di siya sumasagot, she just kept on reading Vhong's chart. Hindi siya nagsasalita, mukhang nagko-concentrate talaga siya.
Maya-maya, may dumating na isa pang doctor, magkausap sila ni Mama.. hindi ko naririnig yung pinaguusapan nila dahil nasa loob ako with Vhong, pinupunasan ko ulit siya.. hanggang sa kinatok ako ni Aki sa loob, ang sabi niya.. may family conference daw. We all went to the living room with the doctor, nakaupo siya sa kabisera habang magkatapat naman si Mama at Papa, ako katabi ni Aki. I don't know kung dapat ba akonf nandito pero sinunod ko nalang si Aki.
"Cynthia.. I've been telling you about this beforehand, since your son was admitted." Nakayuko lang si Mama, parang lalim-lalim ng iniisip.
"Pero Ralph.. sabi mo in 3 days possible na gumising na si Vhong pero bakit hanggang ngayon hindi pa? It's been 5 days already!" Tanong ni Papa, bakas sa boses niya ang frustration.
"Sir.. Higher doses and stronger medicines na yung binibigay namin kay Vhong to help his body recover.. pero sinasabi ko na kay Doctora yan.. hanggat di naaalis yung bubog, pabalik-balik lang ang infection." Paliwanag sa amin nung doctor, ang dami na naming pinaguusapan pero si Mama, she's just sitting there, quietly.
"Pero bakit nga, Ralph?" Follow-up question ni Papa.
"I am not sure.. maybe because of trauma.. both physical and psychological.. pwede din dahil sa ibang gamot.. it's so complex at napakadaming aspeto ang dapat nating tignan at isalang-alang" Nakikinig lang ako sakanila hanggang sa maalala ko yung mga gamot na nakita ko sa cabinet ni Vhong. Nagexcuse muna ako sakanila para kuhanin ang mga iyon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito ngayon, sa pagkakataong ito or hindi nalang but I am thinking na baka isa din ito sa mga dapat nilang malaman at iconsider, hindi ko alam because I am not a doctor. Bahala na.
"Ahm.. doc.. Papa.. Mama.." nahihiya ako sakanila pero dahan-dahan ko nalang nilapag yung ziploc ni Vhong sa harap ni Doc.
Binasa niya ang mga reseta, kitang kita namin lahat ang pag-kunot ng kanyang noo sa mga nabasa niya.
BINABASA MO ANG
Will it be the same? (COMPLETED)
FanficCan love lead your heart back to the first one who broke it?