Diamond POV
Maaga kong nagising kaya naisipan ko nalang bumaba para mag luto ng breakfast, nilutuan ko na rin si Mama tulog pa kasi siya.
Bago ko umalis nag iwan nalang ako ng note sa may ref na maaga akong pumasok baka kasi hanapin ako.
Ilang minuto lang nakarating na ko sa school.
Pumunta muna ko sa field at sakto nandito pala si Sapphire.
"Look who's here" I think magiging masaya ang umaga ko
"What are you doing here? Huh!" dagdag niya pang sabi
"Baka bibili ako sa hardware?" pang iinis ko sa kaniya
"Hindi ka lang pala b*tch ang stupid mo pa! sa tingin mo may hardware dito? Obvously wala"
Mas stupid siya kasi hindi siya makaintindi ng sarcasm
"Alam mo naman palang walang hardware dito napaghahalataan kang hindi nag-aaral ng mabuti"
"How dare you to insult me!" sasampalin niya na sana ko kaso malas niya nahawakan ko ang kamay niya at sa muka niya nag landing ang sarili niyang palad
"Arrgghh! I hate you" inis na sabi niya sa akin
"Don't worry the feeling is mutual"
Aalis na sana ko nang bigla niyang hablutin ang buhok ko. Anong akala niya sa akin mag papatalo? mangarap siya.
Ginantihan ko siya kaya ito kami nag sasabunutang dalawa. Nasa ibabaw siya at nasa ilalim ako. Naramdaman ko nalang ang isa niyang kamay na nasa damit ko na wtf madumi siya lumaban!
Binuksan niya ang blouse ko, dahil nga nasa ilalim ako at ang lakas niya nahirapan akong pag palitin ang pwesto namin pero dahil sanay na kong makipag-away wala na kong pake kahit nakabukas na ang 2 buttones ng blouse ko ang mahalaga makaganti ako sa kanya. Nung ako na ang nasa ibabaw niya hinigpitan ko ang sabunot sa buhok niya. Sinipa niya ko at dahil sa ginawa niya hindi ako nag paawat at mas lalong hinigpitan ko ang pagsabunot sa buhok niya.
"What's happening here?"
Oww nandito na pala lahat ng officers dahil nag eenjoy akong makipag away kay Sapphire.
Malakas ko siyang sinampal ng biglang ko nalang naramdaman na may umaawat na samin. Pilit nila kaming pinaghiwalay na sa bandang huli nag wagi naman sila.
"How dare you for doing this to me! you'll pay for what you did! " gulo-gulo ang muka niya tapos kalat na rin yung lipstick niya sa labi, namumula rin ang kabilang pisngi niya kung saan ko siya sinampal ng ilang ulit, she deserve it.
"Sure I'll wait for that" nakangising pang-aasara ko. Si Amber at Amethyst ang umawat sakin.
Kilala ko na silang lahat pinag-aralan ko yun kahapon. Si Emerald at Crystal naman umawat sa kaniya habang yung apat na lalaki nakatayo lang.
Pansin ko kanina pa patingin-tingin si Lime sa dibdib ko, yung tatlo nakaiwas lang sa direksyon ko
"Bitawan niyo ko" utos ko sa kanila na agad din naman nila kong binitawan
"Ahm... Diamond yung ano mo kasi... yung uniform mo paki ayos" naiilang na sabi ni Amethyst
Napatingin naman ako sa sarili ko tsk! kaya pala kanina pa pasulyap-sulyap si Lime nakikita na kasi yung dibdib ko. Habang binubotones ko ang uniform ko tumingin ako sa direction ni Lime then I smiled to him, deep inside I want to kill him, d*mn you pervert.
Lumapit ako kay Sapphire na hawak-hawak pa rin nila Emerald at Crystal. Nung makalapit na ko sinampal ko ang kaliwang pisngi niya
"Nag mamalasakit lang ako para naman pantay blush on mo baka kasi wala ka ng pambili ng make-up kaya mas maganda kung natural blush on di ba" gusto niya rin sanang bumawi kaso hindi siya makawala sa pag kakahawak nung dalawa
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
De TodoIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...