CHAPTER 20

402 10 2
                                        

Amber POV

Parang tumigil ang mundo ko nung makarinig ako ng malakas na putok ng baril.

"GUYSSS OK LANG BA KAYO?" tanong ko sa kanila sa kabilang linya

"Oo, ayos lang kaming tatlo dito sa loob ng HQ" sagot ni Emerald

Nanahimik kami bigla kasi hinihintay naming sumagot sila Crystal at Alex pero walang nagsasalita.

"Crystal! Alex! sumagot kayo!" bakit ba ayaw niyong sumagot!?

"Moon paki check naman sila" utos ni Lime sa kambal niya

Halos dalawang minuto kami naghintay bago sumagot si Moon.

"Sh*t! walang malay si Crystal, ganon din si Alex at duguan" naalarma kami sa sinabi niya

Tatayo na sana ko para puntahan sila nang pigilan ako ni Lime.

"Ako na pupunta" pigil ni Lime sakin

"No, who's going to protect Amber kung aalis ka Lime? ako na bahala sa kanila" sabat ni Sapphire

Nakakatuwang isipin na may pakialam pala sakin si Sapphire.

"Sasama ko sayo Sapphire magdadala na rin ako ng first aid kit para magamot si Alex" dagdag ni Emerald

Napanatag ang loob ko dahil sa sinabi nila.

"Calm down and focus Amber" pagpapakalma ni Lime na tumabi sakin sa pagkakaupo ko

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Sapphire POV

Sabi ni Moon nasa field daw sila Crystal at Alex kaya pala mabilis silang napuntirya. Open area kasi ang field, di manlang nila naisip magdala ng weapons.

Sobrang init maglakad sa ilalim ng tirik na araw parang masusunog balat ko. Bakit ba kasi hindi naisipan ni Emerald magdala ng payong?

"Emerald sobrang init it seems like masusunog na balat ko!" reklamo ko

"Sorry pero wala na kong time para magdala ng payong"

Sobra kayang layo ng field mula sa HQ but for the sake of Crystal and Alex I'll go for it.

Sa ilang minuto naming paglalakad sa wakas nakarating din kami sa field. Una naming inilagay sa lilim si Crystal dahil magaan lang siya, sunod si Alex na ang bigat!

"Sapphire ipaamoy mo 'tong white flower kay Crystal habang ginagamot ko si Alex" abot sakin ni Emerald ng maliit na botelya

Pinaamoy ko kay Crystal yung white flower na nakalagay sa maliit na bote. Ilang minuto lang nagising na siya.

"Arrrgghh" daing niya habang nakahawak sa ulo

"Nasaan si Alex!?" napairap ako dahil sa reaksyon niya, like the hell nasa tabi niya lang si Alex!

"Do you want me to slap you Crystal? mukang wala ka pa kasi sa sarili mo. Like duh~ F.Y.I. nasa tabi mo lang si Alex!"

Nilingon niya si Alex na walang malay na nasa tabi niya lang.

"Grabe Sapphire yang kamalditahan mo talaga walang pinipiling panahon" rinig kong reklamo ni Amber sa kabilang linya

"I'm just being true, you know. Isa pa nakakainis kasi si Crystal lilingon nalang sa kabilang side niya di niya pa nagawa!"

"At hanggang sa ganitong sitwasyon nag-aaway kayong dalawa" sabat ni Lime

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Emerald matapos niyang magamot si Alex

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon