CHAPTER 16

319 11 0
                                    

Diamond's POV

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko bumalik sa room namin. Tiningnan ko ang kamay ko na namumula at medyo may sugat dahil sa ginawa ko kay Adam. Iniwan ko siyang mag isa dun balak ko pa sana siyang itali kaso wala kong makuhang lubid. Paniguradong kasama niya rin yung apat na transferee.

Naupo ko sa upuan ko pagkarating ko ng room. Kinuha ko ang cellphone ko pagtingin ko ang daming missed calls at messages.

[Where have you been babe? kanina pa kita tinitext at tinatawagan]

[Can you please answer my calls or message, I'm too worried about you. Nakalanding na ang sinakyan kong ereplano. Sa apartment niyo ko ni Tita dadaan]

Dalawa lang yan sa mga texts niya yung iba di ko na binasa.

"I'll call you after my class" sent, reply ko sa kanya bago patayin ang cellphone baka kasi tumawag pa siya malintikan ako sa teacher namin.

Filipino ngayon ang subject namin kaya halos antukin na kami. Puro talasalitaan pinagawa pa pinapagawa.

Pagkatapos ng nakakaboring na klase namin agad kong binuhay ang cellphone ko at sa pangalawang pagkakataon flood na naman ng messages niya. Narinig ko pang tinatawag ako ni Amethyst para siguro sumabay sa kanila kumain.

"Nakarating ka na ba sa apart-" habang naglalakad ako nagtitipa ko sa cellphone ko kaya nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod, muntikan ko pang masapak kung di ko lang naamoy yung pamilyar na pabango niya

"Babe!" masaya niyang bungad sakin pagkaharap ko

"I miss you my little Princess" sabay pinch niya sa ilong ko

"Anong ginagawa mo dito?" nakataas kilay kong tanong

"I miss you so bad, I decided na dito nalang sa school niyo dumiretso kaysa sa apartment niyo" mas naging manly na siya tiningnan kaysa dati

"Let's go, treat ko" hablot niya sakin sabay intertwined ng diliri namin. Pasalamat ako hindi niya napansin mga sugat ko sa kamay.

"Namiss ko yung ganito" di ka na makakaulit kapag nahuli ka ni Harlaxton, magkakapasa ka pa sa muka

"Stop being clingy Silver, may fiancê na ko" walang pakundangan kong sabi

"Alam ko pero hindi pa naman kayo kasal kaya pwede pa kitang maagaw sa kanya. Isa pa ako dapat pakakasalan mo kung hindi lang kayo pinagkasundo ng magulang niyo" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya

"Sinasaktan mo lang sarili mo" pilit kong binabawi ang kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan

"Ayos lang kung ang kapalit ay makasama ka" bakit ba ang martir ng taong 'to? hinarap niya ko sa kanya sabay halik sa noo ko

"Akin ka dapat eh" malungkot niyang sambit bago kami nagpatuloy maglakad papunta sa parking lot kung nasaan ang dala niyang kotse.

He's Silver Gauthier, my childhood bestfriend/first love, kaya ganon treatment ko kay Harlaxton dahil kay Silver. Babe talaga tawag niya sakin kahit wala kaming specific na label.

Our feelings are mutual pero ayaw ng parents ko sa kanya kaya hindi naging kami kahit gustuhin namin. Kaya pala ayaw nila kay Silver dahil kay Zircon, sa madaling salita pambayad utang ako sa naging tulong ng mga Harlaxton sa pamilya namin.

"Don't be sad, I can steal you from him" hinampas ko siya ng mahina sa braso, sana nga...

Nang makita na namin ang sasakyan niya sumakay na kami at pumunta sa pinakamalapit na mall. Nagtataka kayo kung pano ko nakalabas ng di sinisita ng guard? siguro dahil kilala ko bilang anak ng isa sa may-ari ng school. Pinaalam na kasi sa lahat na 3 pamilyadong lalaki ang may ari ng school namin at kabilang na ko dun sa isa sa mga anak.

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon