CHAPTER 04

472 13 0
                                    

Amethyst's POV

Sabi na nga ba mabait talaga si Diamond at mas lalong napatuyan ko yun dahil sa pag tulong niya sakin kahapon, because of what she did to me I baked a cookies and cake may chocolate drinks pa yan kasi yun kadalasan kong makita na kinakain niya tuwing nasa canteen siya. Siguro mahilig siya sa chocolates kaya puro chocolate flavor yung pagkain naibibigay ko sa kaniya

"Good morning Amethyst" masayang bati ni Alex at Emerald sakin. Si Alex sa noo ko humalik si Emerald naman sa pisngi ko humalik

"Para kanino naman yang mga pagkain nayan? para samin ba?" birong sabi sa akin ni Emerald

"Mukang hindi para satin, nakakatampo ka naman Amethyst" nakapout na sabi ni Emerald

"Para kanino ba yan?" tanong ni Alex

"Para kay Diamond" bakit parang biglang nagalit si Emerald?

"Bakit mo naman siya bibigyan ng ganiyan? Please Amethyst layuan mo siya ayokong mapahamak ka" pano ko mapapahamak kung si Diamond mismo ang nagligtas sakin

"Pero kasi... mabait naman siya eh" gusto ko nga siyang maging friend kaso mukang hindi papayag si Emerald

"Stop pouting! fine papayag akong ibigay mo yan pero hindi mo siya pwedeng maging kaibigan" ganun ba kasama si Diamond sa paningin nila? nakakalungkot naman

Nagulat kaming lahat dahil sa biglang pag bukas ng malakas ng pinto. Sila Zircon, Moon, Lime pati sila Amber, Sapphire at Crystal

"Anong ginagawa niyo dito? May balak pa talaga kayong sirain yung pinto ng namin" pigil inis na sabi Emerald

"Shut up Emerald" lumapit si Zir sakin. Patay sinabi niya sa kanila? Napalunok ako dahil sa takot kay Zir

Lumapit sakin si Zir sabay hawi ng buhok ko sa may pisngi.

"What happened to your face?" seryosong tanong niya sa sobrang takot ko sa lapag ako nakatingin. Hindi ako makasagot sa tanong niya

"AMETHYST TELL ME WHAT HAPPENED TO YOUR FACE!?" pano ko sasabihin kung sinisigawan niya ko huhuhu

"Ano ba Zircon tinatakot mo siya" sabat ni Alex"

"SHUT UP!" isa 'to sa mga kinakatakot kong mangyari kaya nga ayokong malaman nila kapag may masamang nangyayari sakin kasi para silang nangangain ng buhay sa tuwing napapahamak ako

"Baka nakakalimutan mong nasa room ka namin" ang sama na ng tingin ni Alex at Zir sa isa't-isa

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Diamond na nakaearphone. Napalingon kaming lahat sa kaniya. Ang hot niya tingnan messy hair na naka-unbotton ang isang button ng uniform niya tapos nakaearphone pa siya kaya hindi niya siguro pansin ang tensyon muka kasing nag eenjoy siya sa music nasa sulok kasi kami. Nag lakad siya papunta sa pwesto niya akala ko talaga hindi niya kami mapapansin kaso bigla siyang ngumiti na nakapagpashock sa aming lahat.

"Nandito na pala kayo" sabi niya kila Emerald at Alex

"Bakit nandito yung Delinquents at Elites? Ay! Dahil ba doon sa sinabi ko? Mukang hindi parin sinasabi ni Amethyst yung nangyari sa kaniya kahapon" lagot talaga ko nito

"Ako na ang mag kwekwento muka naman kasing ayaw niyang sabihin sa inyo" natuon tuloy lahat ng atensyon sa kanya

"Yesterday after namin mag away ni Sapphire nung nakapag bihis na ko papunta na sana ko sa room but I heard someone's crying in girls comfort room pumasok ako sa loob and I see her nakaupo sa lapag while crying pero may kasama siya at sa pagkakaalala sinampal siya"

"Sinong sumampal sayo?" nagpipigil sa inis na tanong ni Sapphire

"Kaklase namin siya" sabi ni Diamond, inilibot niya ang tingin sa room

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon