Zircon's POV
"Ma'am I think I should go back baka hinahanap na po ako ng parents ko"
"Hindi ka na ba kakain hijo?"
"Salamat nalang po, mauna na po ako"
"Sige hijo salamat nga pala sa paghatid kay Diamond, mag ingat ka sa biyahe"
Habang nag dridrive ako bigla kong naisip ang usapan nila ng Mama niya. Mama ang tawag niya sa kasama niya sa bahay pero tinatanong ng Mama niya kung alam ba ng PARENTS niya na masama pakiramdam niya.
Mabilis akong nakabalik sa party.
"Kuya buti bumalik ka agad, ok na ba si Ate Diamond?" bungad sakin ni Ivy
"No" tipid na sagot
"Kuya Lime di ba ikaw po nagdala sa kaniya dito? what happened to her po bago mo po siya dinala dito?"
"Ah... eh... bago ko siya dinala dito kanina nakita ko siyang nakatayo, nakatingin sa entrance nung medyo malapit na ko saka ko nakita ang tinitingnan niya hindi siya sa entrance nakatingin kundi dun sa taong nakatayo malapit mismo sa entrance. Nung tuluyan na kong makalapit sa kaniya kala ko hinimatay siya kasi natumba siya buti nalang nasalo ko siya, pagkasalo ko sa kaniya ramdam ko ang nerbyos sa buong katawan niya. Yung lalaki nakakatakot siya nakahood siya tapos nakamask na sakop buong muka niya tanging mata lang ang makikita mo. Kaya siguro ganun nalang ang takot niya" mahabang paliwanag ni Lime
Pano niyang nasabing lalaki yun?
"Hala! namukaan mo ba?" tanong ni Amber
"Hindi eh! nakamask nga kasi tapos nakahood nakikinig ka ba sa sinabi ko?" inis na tanong ni Lime kay Amber
"Bal icheck mo kaya ang cctv" utos ni Lime
"Nasa kotse ko ang laptop"
"Edi kunin mo problema ba yun" sagot ni Lime
Tumayo si Moon para siguro kunin ang laptop. Mabilis rin naman siyang bumalik
"Ihack mo yung malapit sa entrance na cctv Bal ha!"
Pinanood lang namin si Moon kung pano niya ihack ang computer na kumukonek sa cctv.
"Sh*t" rinig naming mura niya
"Bakit Moon may problema ba?" tanong ni Amber
"May virus" nag taka naman kaming lahat
"Panong magkakaron ng virus yan?" takang tanong ni Lime. Habang ako nakamasid lang sa kanila. May nakapasok na hindi imbitado.
Pabalibag na sinara ni Moon ang laptop niya.
"Guys punta tayo kung saan marereview natin yung footage" suggest ni Amber
"Ivy you should go back to mom and dad may pupuntahan lang kami" utos ko sa kapatid ko
"Ok Kuya" nakangiting sagot ni Ivy
Sa laki ng venue nahirapan kami hanapin kung saan namin makikita ang mga nag rereview ng cctv footage
Nung mahanap namin pumasok kami sa loob
"Ma'am, Sir anong pong ginagawa niyo dito?" tanong samin ng bantay
"We want to check the cctv footage sa may entrance mga around 10:30pm" sabat ni Lime
"Sige po Sir, saglit lang" sabi nung bantay
Ilang minuto kaming nag hintay bago bumalik samin yung lalaking kaninang kausap ni Lime
"Ah sir sorry po pero wala po kasing footage nung 10:30pm bigla po kasing nagloko yung cctv kanina"
"What?" gulat na tanong ko
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
RandomIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...
