CHAPTER 12

406 11 5
                                    

Amber's POV

Nagulat kami sa biglaang pagsampal ni Diamond kay Zir. Pagkahablot niya kasi sabay sampal kaya hindi agad nakapagreact si Zir.

"I'll take care of her" sabi ni Zir sabay buhat kay Diamond na walang malay

Sinundan ko ng tingin si Zir at nakitang nilapitan ang parents ni Diamond bago umalis ng venue.

"Feeling Princess" biglang sulpot ni Sapphire habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Diamond na walang malay. Napalingon tuloy ako sa kaniya.

"Yang kamalditahan mo ilugar mo, hindi ito ang tamang oras para mag maldita ka"

"So do I need to tell everyone that i'm maldita, Philippines!?"

"Sapphire!" may authority na saway ni Moon sa kaniya

"What?" maarte niyang nilingon si Moon

Tinitigan siya nito nang seryoso na para bang mananahimik ka o may kalalagyan ka, look.

"Anong balak nating gawin?" tanong ko sa kanila

"Lime call the others" utos ni Moon sa kambal niya

"Takte bakit ako?" reklamo niya

"Lime please pakisunod nalang sinabi ni Moon" nangugunsumi kong sabi

Umalis siya sa pwesto namin at tinawag ang iba. Pagkarating ng iba sinabi ni Moon na magpaalam sila sa parents nila na may urgent meeting kami at kailangan namin makausap si Zircon sa bahay nila. Maswerte kami na pinayagan kaming makaalis.

Pagkarating namin sa bahay nila Zir mga kasambahay lang ang bumungad samin. Hinatid niya pa kasi si Diamond sa bahay nila.

Tinext siya ni Moon na nasa bahay nila kami at hinihintay siya para makausap. Ilang minuto ang lumipas ng dumating siya.

"I need your cooperation right now" panimula ni Zir

"Hindi ko hihingin ang tulong niyo kung hindi naman kailangan dahil alam kong may mga galit pa rin ang iba sa inyo sa nangyari ilang taon na ang nakalipas"

"Ano ba talaga nangyayari Zir? pati kami naguguluhan" tanong ni Alex sa mahinahong tono

"Muntikan ng may mangyaring hindi maganda kay Diamond kanina. May alam siya sa nakaraang party na sinasabi ni Lime" sabay baling niya kay Lime. Nagulat kami sa sinabi niya, kaya pala ganon itsura niya pagkalabas ng backstage, muka siyang balisa

"As her fiancé I need to protect her"

"So gusto mo rin protektahan namin siya? asa ka naman" itong ugali ni Sapphire nakakainis talaga

"Sapphire ano ba! babae ka rin pwede konting respeto naman kay Diamond na muntikan ng mapagsamantalahan!" saway sa kanya ni Crystal. Si Crystal kahit maldita may prinsipyo pa rin siya sa buhay hindi gaya nitong si Sapphire puro kaartehan lang alam.

"Can I continue now?" singit ni Zir

"As what I said hindi ko hihingin ang tulong niyo kung hindi kinakailangan. We need to protect her. Hindi lang 'to simpleng problema maraming mapapahawak kapag hindi tayo nagkaisa para masolusyunan 'to"

"May kinalaman 'to sa parents namin at sa may-ari ng school" dagdag niya

Sa tagal naming nag-aaral dun kahit minsan walang nakakaalam kung sinong may-ari ng school namin.

"Kaya Anonymous Academy ang pangalan ng school natin is to hide the identity of the owners" pagkasabi niya nun napaisip ako bakit may "s" ang owners?

"Hindi lang iisa ang nagmamay-ari ng school" komento ni Moon na ikanatango ni Zir

"Pinagawa yun ng tatlong tao bilang pag-alala sa pagkakaibigan nila pagkatapos nilang makagraduate ng college. Because of their young age and a lot of competents they need to hide their identity for their safety. Years later they got married, and their wives got pregnant in the same year. Napagkasunduan nila na doon din dapat mag-aaral ang mga magiging anak nila dahil sa kagustuhan nilang mapatibay ang kanilang pagkakaibigan. Ang unang lalaki at babae na ipapanganak ay ipapakasal sa takdang panahon. Si Flint ang unang isinilang, sumunod..." pagputol ni Zir sa kwento at isa-isa kaming tiningnan

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon