Lime's POV
Pagkarating namin sa Principal's Office nandun na yung apat na bagong transferee na sinasabi ni Moon.
Hindi na kami nag abalang batiin pa ang mga nandoon basta nalang kami naupo ng kambal ko.
"Hindi makakapunta si Zir" panimula ng kambal ko
"But why Mr. Stone?" tanong sa kanya ng Principal
"Kasama niya fiancé niya"
"Really? ganon ba kaimportante ang fiancé niya to the point na hindi siya makakapunta!? napakaunprofessional!"
"Sa sobrang importante ng fiancé niya kaya ka niyang patalsikin bilang Principal" sabat ko
"Lime!" saway sakin ni Emerald
"Mukang wala kasing alam sa nangyayari" naiinis kong sabi. Kasalanan 'to ni Moon kaya ko badtrip siya sisihin niyo.
"Unfortunately Ms. Pearl, si Diamond ang fiancé ni Zir at anak ng isa sa may-ari ng school" halatang walang kaalam-alam ang Principal namin dahil halata sa muka niya ang pagkagulat.
"Seems shock? well if I were you magpakabait ka you know how demonic she is" sabi ni Sapphire sabay flip niya ng buhok, napakaarte talaga
"Sino pa ba hinihintay natin?" tanong ko
"Yung isa nilang kasama" sagot ni Ms. Pearl na Principal namin
"Pasensya na hindi pa po pala makakapasok yung isa naming kasama may inaasikaso pa kasi, nakalimutan kong sabihin" sabi ng isa sa mga bagong estudyante sabay kamot sa batok
"Tutal kumpleto na kayong mga officers bukod kay Mr. Harlaxton, let's proceed sa mga rules and regulations" sabi ng Principal
Katulad ng nakagawian pagkatapos basahin ang rules and regulations at pagkatapos namin magpakilala sila naman ang magpapakilala.
"Tanzanite Scruton at your service Nite for short" sabi ng isang lalaki na mukang siya ang pinakamaingay sa kanila
"Topaz Gaxton, Top for short" sabi ng pinakatahimik sa kanila
Siguro magkakasundo sila ni Moon pareho kasi silang tahimik. Pagkalingon ko sa kambal ko kulang nalang patayin niya si Top sa sobrang sama ng tingin. Wag mong sabihing ito yung nakilala ni Amethyst sa mall.
"Jet Fontana" wala na siyang ibang sinabi bukod sa pangalan niya. Parang Hannah Montana pangalan niya hahaha.
"Jasper Rawdon, masaya kong makilala kayo sana maging kaibigan ko kayo" sabay kindat kay Amber, ulok kaibigan mo muka mo basagin ko pa bungo mo
Sinamaan ko si Amber ng tingin ng mapatingin siya sakin. Tsk! akala niya ikinaganda niya yan
Matapos nilang magpakilala ramdam mo ang tensyon sa loob.
Maya-maya biglang may kumatok sa pinto at inuluwa nun si Amethyst na may malawak na ngiti sa labi.
"Who the hell who told you to come here!?" galit na sabi ng kambal ko
"A-Ahm... inutusan ako ng Principal na dahil 'tong forms" pagpapakita niya ng bitbit niyang mga forms
Tumayo si Moon at kinuha ang mga forms na hawak ni Amethyst.
"You can now get out!"
"Amethyst?" singit nung lalaki sa usapan. Nakakaamoy na ko ng riot ah.
"Top? your one of those transferees?" natutuwa niyang sabi pero yung kambal ko hindi na natutuwa
"Amethyst! I said get out!" naiinis na nasabi ni Moon. Tinulak niya pa palabas si Amethyst ng office.
"Did we allow you na gawin mo yun kay Amethyst?" nagtitimpi sa inis na sabi ni Emerald
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
RandomIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...
