EPILOUGE

564 12 8
                                        

Third Person's POV

Malaki ang pasasalamat ng lahat nang ilang minuto matapos ang matinding labanan may dumating na mga pulis na may kasamang ambulansya sa school nila.

Hinuli ang grupo nila Jet. Nang makita ni Moon si Nite at Jasper hindi niya napigilan na sapakin ang dalawa dahil sa ginawa nila sa kakambal niya at kay Amber.

"Kapag may masamang nangyari kay Lime at Amber sinisiguro kong mabubulok kayo sa kulungan!" nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi ang mga yun sa kanila.

Nang makaalis ang mga pulis kasama ang grupo nila Jet parang estatwa na hindi makausap si Moon.

"Moon..." tawag ni Emerald kay Moon na tulala habang nakahawak sa kakambal nitong nasa stretcher na walang malay at duguan

Tila hindi siya nito narinig, halos lahat ng officers sugatan pati si Emerald na wala namang alam sa pakikipaglaban sugatan din siya dahil sa kagustuhan niyang matulungan si Sapphire at Crystal.

Dinala agad sa operating room sila Lime at Amber para matanggal ang maraming bala sa kanilang katawan. Habang sila Moon, Sapphire, Crystal, Alex at Emerald ginagamot dahil sa mga natamong galos at sugat sa katawan.

Isang trauma para sa kanilang lahat ang nangyari. Akala nila yun na ang pinakamalalang nangyari, hindi pa pala.

Dahil si Emerald lang ang hindi masyadong napuruhan. Bibili sana siya ng makakain nila ng may tatlong sunod-sunod na stretcher ang nakita niya at laman nun sila Zircon, Diamond at Silver na mga walang malay.

Imbis na bumili ng pagkain para sa mga kaibigan niya nakalimutan niya na dahil sa nakita niya.

"Miss ano pong nangyari?" tanong niya sa isang nurse na papuntang emergency room.

"Pasensya na po Ma'am pero kailangan na po ako sa loob, critical po kasi ang kondisyon ng babaeng pasyente" napatakip si Emerald sa bibig ng sabihin yun ng nurse

Isa-isa niyang pinuntahan ang mga kaibigan niya sa mga kwarto nito para sabihin sa kanila ang nalaman. Kahit hindi na makagalaw ang iba pinilit pa rin nilang tumayo para puntahan ang tatlo at hintayin ang resulta ng operasyon.

Palakad-lakad si Emerald, halatang hindi mapakali sa magiging resulta ng operasyon. Ang iba tahimik na naghihintay ng resulta at nagdadasal na sana lahat ng mga kaibigan nilang nasa ER ay mailigtas.

Ilang oras ang hinintay nila bago lumabas ang doctor. Sabay-sabay silang nagtayuan sa pagkakaupo at hinihintay ang sasabihin ng doctor.

"Kaibigan niyo ba ang bagong dating na tatlong nasa ER?" para silang choir na sabay-sabay sumagot

"I'm sorry to say pero hindi nakaligtas ang nag iisang babae na bagong dating, dead on a rival na siya nung dumating. Sinubukan namin lahat ng makakaya namin pero wala talaga. Kung nadala sana siya agad baka may nagawa pa kami, the rest maganda naman ang resulta ng operasyon" pagkatapos nilang malaman ang result, iniwan na sila ng doctor

"It can't be..." sabi ni Sapphire habang walang tigil ang paglandas ang luha

Inilabas mula sa emergency room ang walang buhay na katawan ni Diamond at dinala sa morgue ng hospital.

Sumunod sila dun maliban kay Moon na gustong bantayan si Lime na ok na ang kondisyon.

"You bitch! wake up! sinabi mo kay Emerald na susubukan mong bumalik but what the hell is this huh!?" pinipilit ni Sapphire gisingin ang walang buhay na si Diamond

"Sapphire tama na..." awat ni Emerald sa kanya na umiiyak din

"Hindi! nangako siya sayo di ba!? pinaubaya ko rin si Zir sa kanya tapos ito gagawin niya!?" naiinis na sabi ni Sapphire

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon