Diamond POV
Kahit class suspended na kanina hindi agad nakauwi ang mga officers kasama na ko dun kaya medyo magdidilim na nung makarating kami sa bahay nila Harlaxton.
Pagkarating namin sa bahay nila nadatnan namin ang mommy niya na nasa garden na nagdidilig. Hindi mo iisipin na may dalawa na siyang anak na pilyo at pilya dahil makikita mo ang ganda niyang taglay kahit may edad na.
Bago ka makarating sa loob madadaanan mo muna ang garden ng mga Harlaxton.
"G-Good evening po" nagdadalawang isip na bati ko sa nakatalikod na mom niya. Dahan-dahan itong pumihit paharap samin at nakangiting bumati pabalik.
"Oh good evening din hija nandito na pala kayo kanina ko pa kayo hinihintay ni Zircon" nakangiti nitong sabi
Lumapit si Zir sa mommy niya at humalik sa pisngi ng mom niya. Akalain mo yun may GMRC pala 'tong si Harlaxton.
"Diamond hija di ka manlang ba bebeso sa soon-to-be-mother-in-law mo?" nakapout nitong sabi na parang bata
"Go ahead bago pa magbago mood ni mom" sabay tulak ng mahina ni Harlaxton sakin
Lumapit ako sa mom niya at nagbeso gaya ng sabi niya. Sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi nito na tila tuwang-tuwa sa ginawa ko.
"I can't wait na magkaapo sa inyong dalawa"
"Mom don't be too excited we're not yet married" sagot ni Harlaxton
Mana siya sa mommy niya sarap nilang pagbuhulin.
"Promise me na bibigyan niyo ko ng apo, son"
"I promise" wow medyo nahiya ko tipong parang hindi nila ko kasama, kung makapag-usap kala mo wala ko sa paligid.
"Nagluto na ko ng kakainin niyo alam kong gutom kayo, gumawa na rin ako ng desser na chocolate cake dahil nasabi sakin dati ni Ivy na mahilig ka sa chocolates, hija" pinatay at binaba ni Tita ang hawak niyang hose at ginuide kami papuntang dining area.
Nung marinig kong may chocolate cake kulang nalang maglaway na ko. I love chocolates lalo na kapag marami akong iniisip, chocolates lang happy pill ko.
"Mom where's Ivy?" tanong ni Harlaxton ng makaupo kami. Hindi ako masyadong nagsasalita dahil tinatamad ako. Isa pa kung ano-anong walang kwentang bagay pinag-uusapan nitong mag-inang 'to.
"She's still in her school may tatapusin lang daw kaya malalate ng uwi. Paniguradong matutuwa yun kapag nakita ka niya Diamond, at mas lalong matutuwa yun kapag nalaman niyang mag s-sleep over ka dito" hindi ako nag-abalang sumagot dahil busy ako sa pagkain kaya siniko ako ni Harlaxton.
"Respect my mom, especially in front of me Diamond" bulong niya sa tenga ko pagkatapos niya kong sikuhin. Napatingin ako sa kaniya at kita ko ang nanlilisik na mga mata niya, medyo nanlamig ako sa ginawa kong pagtingin sa kanya kaya inilihis ko sa kanya ang paningin ko at bumaling sa mommy niyang nakangiti.
"Mabuti po nagustuhan ako ni Ivory" sa sobrang wala kong maisip na isasagot yan ang nasabi ko
"She likes you so much to the point na iniway niya pa ang Kuya niya dahil hindi ka daw ni Zircon trinatrato ng maayos" napangiti ako sa sinabi niya
Hindi ko alam ang pakiramdam ng may kapatid dahil only child lang ako pero may isang tao na halos iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa lalo na nung mga panahong kailangan ko ng makakapitan.
"Son, doon mo nalang sa kwarto mo patulugin si Diamond, it's ok for me na magtabi pa kayo hihihi" nabilaukan ako sa sinabi ng mommy niya at halos mamatay na ko sa kakaubo.
![](https://img.wattpad.com/cover/170958138-288-k986693.jpg)
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
De TodoIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...