Zircon's POV
Pagkareceive ko ng message umalis agad ako ng school ng walang pasabi sa kanila, alam ko namang gagawin nila lahat ng sinabi ko kahit wala ko.
Dahil hindi ko alam kung saang lugar ang tinutukoy sa message muntikan pa kong maligaw. Buti nalang habang nagdridrive ako may nakita kong isang abandonadong gusali.
Bumaba ko sa kotse, bago ako makarating sa may gate may mga bantay na nandoon.
"Anong kailangan mo?" tanong ng isang bantay na may nakasukbit na baril sa balikat niya
"Harlaxton" sagot ko, sabi kasi sa message kapag may nag tanong sakin kung anong kailangan ko sabihin ko lang ang surname ko para papasukin ako.
Kinapkapan ako ng mga bantay bago sila nag bigay daan para makapasok ako sa loob.
Binuksan ko ang nag-iisang pinto doon at nakita ang isang lalaki na mukang si Silver.
Bigla nalang nakarinig ako ng isang palakpak galing sa loob. Dahil medyo madilim ang ilaw hindi ko makita kung sino yun.
"Buti nakarating ka ng buhay dito Harlaxton. Umpisahan ko na ba ang pagpapahirap sayo?" sabi nung boses lalaki
"Let him go first, ako ang kailangan mo di ba?"
"Maiiyak na ba ko sa sinabi mo? anong akala mo sakin uto-uto para gawin yun!?"
"Be fair"
"Harlaxton sa mundong 'to wala ng patas, kailangan mo mandaya sa isang laban kung gusto mo manalo at umangat"
"Ano pa bang aasahan kong pangaral mula sa isang katulad mong sakim, malamang puro kasakiman din. Sana pinalaya mo nalang yan si Silver at sa school nalang tayo nagtuos, sinasayang mo lang oras ko "
"Wag kang mag-alala may mga pinapunta na ko dun na tatapos sa mga kaibigan mo HAHAHAHA"
Lumapit siya kay Silver na nakatali sa upuan sabay suntok sa tiyan nito.
"Natutuwa kong magkaharap tayong magkakaribal sa iisang lugar" lalapit na sana ko ng bigla siyang mag salita ulit
"Kapag lumaban ka Harlaxton masasaktan siya, alam mo naman siguro mararamdaman ng fiance mo oras na malaman niyang nasaktan ang pinakamamahal niya dahil sa katangahan ng fiance niya? baka isumpa ka niya hahaha" napakuyom ako sa galit, alam ko namang si Silver ang mahal ni Diamond kailangan niya pang ipamuka sakin!
"Wag kang ganyan Harlaxton, alam kong masakit ang katotohanan na ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa ni Diamond, kawawa ka naman hahaha. Tutulungan kitang mabawasan ang sakit sa puso mo sa pamamagitan nito..." lumapit siya sakin at sinikmuraan ako hindi ako nagtangkang lumaban dahil baka gantihan nila si Silver
"Matagal-tagal ko rin hinintay ang panahong 'to, kung saan lahat kayo luluhod sa harapan ko para lang mailigtas ang bawat isa sa inyo"
Pinagsusuntok niya ko sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko hanggang sa mapaluhod ako sa sobrang sakit at panghihina. Kung ito lang maitutulong ko kay Diamond sa mga oras na 'to ayos lang masaktan ako.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Silver's POV
I want to help him but I can't, all I can do is to stare at him while suffering. I'm sorry Diamond I can't protect your fiance, I can't do anything.
Pinapanood ko lang siya na tiisin ang bawat suntok ni Fortin sa kanya. Kumalat na ang ibang dugo ni Zircon sa sahig. Halatang hinang-hina na siya.
"Gusto mo ba siyang tulungan?" tanong ni Fortin sakin na ikinatango ko
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
CasualeIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...
