CHAPTER 10

405 9 1
                                    

Diamond POV

Hindi na ko nag abalang sumagot kasi panigurado si mama yung nakatok.

"Nak gising na may mga bisita ka sa baba" sabay yugyog niya sakin ng mahina

"Ma, baka nakakalimutan mo po Sabado ngayon at pakisabi nalang na makakaalis na siya" nakapikit kong sabi sabay taklob ng unan

"Bihira nalang may bumisita sayong bata ka ganiyan ka pa. Hala pumunta ka na sa banyo at mag-ayos ng sarili mo bago bumaba" hinatak ako ni Mama papasok ng bathroom kaya kahit tinatamad ako napilitan akong mag shower.

Pagkatapos kong mag shower syempre malamang nag bihis ako alangan lumabas at humarap ako sa kanila ng nakahubad, utak please.

Pagkababa ko nadatnan ko sila Amber, Moon, Lime at Zircon na nasa living area kausap si mama.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila

"Nak di mo muna ba sila aalukin mag umagahan baka di pa sila nakain" sabi sakin ni mama

"Sige po tita maraming salamat po" sagot ni Lime na siniko ni Amber

"Arayy!" mahinang daing niya

"Mahiya ka nga napakapatay gutom mo talaga! kala mo di ka pinapakain sa inyo" rinig kong bulong ni Amber

"Naku wag na kayong mahiya, oh siya hali kayo at hahainan ko kayo" sabi sa kanila ni Mama na sinundan nila papuntang dining

"Wala kang balak kumain?" tanong ko kay Zircon na hanggang ngayon nakaupo pa rin sa sofa

"What happened to you last night?" deretsong tanong niya sakin

"Nahilo lang ako" sagot ko sabay deretsong punta sa dining area

"Bakit ang tagal niyo sumunod anong ginawa niyo?" tanong samin ni Lime na ang daming pagkain sa plato

Hindi namin siya pinansin at naupo nalang kami ni Zircon.

"Tita grabe ang sarap po ng luto niyo, ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong pagkain" papuri ni Lime kay mama

"Salamat hijo at nagustuhan mo, sige lang kumain ka pa" pinagsandok pa siya ni Mama ng pagkain

"Si Diamond magaling din magluto" pagmamalaki ni mama

"Talaga po?" namamanghang tanong ni Lime

"Tsk kala mo sakin?" taas kilay kong sabi

"Hindi kasi halata kala ko puro away lang alam mo" sagot niya

"Oo nga, sang-ayon ako kay Lime" sabat ni Amber

Sila Moon, Alex at Zircon tahimik lang na nakain.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin biglang nag ring ang cellphone ko.

"Ma pakisagot nga po" utos ko kay mama

"Sino bang natawag at ako pa ang gusto mo sumagot?"

"Sino pa nga ba edi sila" walang ganang sagot ko

Inabot ko ang cellphone ko sa kaniya at siya na ang sumagot ng tawag.

"Grabe ka rin pati Mama mo inuutusan mo pero bakit hindi kayo magkamuka?" sabi sakin ni Lime

"Sige next time ikaw nalang uutusan ko" sarcastic kong sabi hindi ko na pinansin ang sinabi niya kung bat di kami magkamuka ni Mama

"Ayos yan" sagot niya

Patapos na kaming kumain ng bumalik si mama.

"May ipapadala daw sila para sayo mamaya, gusto ka rin nila makausap" sabi niya sakin pagbalik

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon