CHAPTER 17

341 11 0
                                    

Silver's POV




Naalimpungatan ako bigla dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin habang natutulog ako. Tiningnan ko kung katabi ko ba si Diamond pero wala siya. Tiningnan ko rin sa guest room baka doon siya natulog pero wala. Napabuntong hininga ko ng maalala kong baka nandun siya sa bahay ng fiance niya.

Magkababata kami ni Diamond, halos sabay na kaming lumaki. Habang nalaki kami hindi ko inaasahan na uusbong ang nararamdaman ko sa kanya. Ilang taon ko siyang niligawan, pinaalam din namin sa mga magulang niya kung anong namamagitan samin. Akala namin boto sila kasi maayos naman ang pakikitungo sakin nila tita pero habang tumatagal unti-unti nila kaming pinaglalayo. Hindi namin maintindihan ni Diamond kung bakit sila ganon samin, kaya kahit mahal namin ang isa't-isa wala kaming nagawa nung pinaglayo kami. Dinala ko ng parents ko sa states para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Tinanggalan kami ng communication. Sa paglipas ng panahon nakagawa kami ng paraan kung paano makakapag-usap ng hindi alam ng parents namin.

Lumipas ang panahon nabalitaan kong pinag training ng iba't-ibang uri ng martial arts si Diamond ng kanyang parents, hindi ko alam kung para saan niya yun gagamitin. Natuto rin siya mang hack, naging racer na hindi alam ng parents niya dahil mama niya lang ang lagi niyang kasama. At ang ikinagulat ko naging isa siyang sikat na gangster. Akala ko nung una nagbibiro lang siya pero hindi pala.

Pinapaalam niya sakin lahat ng ginagawa niya kahit wala kaming malinaw na label. Nakontento nalang ako sa ganong set up naming dalawa. Pati ako natuto mang hack at nag-aral pa talaga para sa kanyang ng martial arts.

Biglaan lang talaga ang pag-uwi ko dito sa Pilipinas dahil sa nalaman kong muntikan na siyang mapagsamantalahan. Pati sa nangyayaring gulo sa pamilya nila. Hindi halata pero nagkakagulo na ang pamilya niya na pati ako hiningian nila ng tulong para protektahan si Diamond, na kahit hindi nila sabihin handa kong gawin dahil mahal ko siya.

Lingid sa kaalaman ni Diamond may lead na ko sa lalaking muntikan ng gumahasa sa kanya. Flint Fortin ang pangalan niya, isa sa anak ng may-ari ng school nila. Si Jet Fontana naman ang nag-utos sa mga lumaban kay Diamond sa underground para patayin siya. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit pinag-utos yun ni Fontana, sa pagkakaalam ko kasi magkakampi sila ni Fortin hanggang sa nalaman ko na utos pala yun ni Mr. Fortin, ang ama ni Flint. Kung hindi daw nila makukuha si Diamond para ipakasal sa unico hijo niya mas mabuting mamatay nalang si Diamond, hindi yun alam ni Flint mukang nilihim sa kanya.

Tumayo na ko at nag-ayos bago bumaba. Pagbaba ko nadatnan ko si Tita, ang mama ni Diamond na nagluluto ng umagahan.

"Magandang umaga hijo, gising ka na pala  kumain ka na muna" alok niya sakin

"Salamat nalang po, pero nagmamadali po kasi ako. Doon nalang po ako samin mag-uumagahan, paki sabi nalang po kay Diamond na umuwi na ko" paalam ko

Lumabas na ko ng apartment nila Diamond at sumakay sa kotse ko, sa sobrang pre-occupied ko hindi ko napansin na may ibang tao pa pala sa loob ng sasakyan ko bukod sakin. Mula sa backseat, tinakpan nito ang bibig ko ng panyo na may pampatulog, pinilit kong lumaban pero unti-unti ng nanghihina ang katawan ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Diamond POV


Pagkagising ko dumiretso ako sa cr para makapag-ayos. Pagkatapos ko mag-ayos bumaba na ko paalis na sana ko ng makita ko ni Ivy.

"Good morning Ate Diamond!" masigla niyang bati

"Morning"

"Aalis na pala ko, paki sabi kay Tita at sa Kuya mo" paalam ko kay Ivy

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon