CHAPTER 18

341 11 0
                                    

Silver's POV

Nagising ako bigla dahil sa nagbuhos sakin ng tubig.

"Good morning Gauthier mukang napasarap ang tulog mo"

Nung una hindi ko siya mamukaan dahil sa panlalabo ng paningin ko dahil sa ibinuhos na tubig sakin. Kinalaunan naaaninag ko na ang muka niya, siya si Flint Fortin ang anak ng sakim sa kapangyarihan. Paano ko siya nakilala? sinend ni Diamond sakin lahat ng files tungkol sa kanila.

"Nakakainis na ang dami kong karibal kay Diamond, kung sabagay muka naman siyang masarap lalo na sa kama HAHAHAHAHAHA" tawa niya na parang demonyo, gusto ko siyang sapakin hanggang sa mamatay siya dahil sa pambabastos na ginagawa niya kay Diamond!

"Sobrang sarap ng pakiramdam nung hinalikan ko siya sa leeg at mahawakan ang hita niya" daig niya pa ang most wanted na rapist sa sobrang manyak

Ilang beses ko siyang pinagmumura at pinatay sa isipan ko. Kapag ako nakawala dito handa kong maging kriminal mapatay kalang Fortin.

"Wag kang mag-alala bibigyan kita ng kasama dito para di ka naman mag-isa at malungkot" lumapit siya sakin at sinampal ng mahina ang pisngi ko

Hindi ako makapagsalita at makagalaw dahil may panyo ang bibig ko habang nakatali naman ang kamay ko sa likod ng upuan, ang paa ko naman nakatali din.

"Alam mo kung bakit ka nandito? masyado ka na kasing maraming nalalaman, papatahimikin lang kita kasama ni Harlaxton para mapasakin na si Diamond" napatigil ako sa kawawala ng sabihin niya yun

Alam kong kahit hindi magkasundo si Zircon at Diamond kung alam niyang may mapapahamak dahil sa kanya handa niyang itaya ang buhay niya.

"Tinext ko na si Harlaxton kasama ang address ng lugar na 'to. Sinabi ko na rin na wag mag sama at ipaalam sa iba kung gusto ka niya ilagtas. Isipin mo yun karibal mo magliligtas sayo, ang tanong maililigtas ka ba niya? HAHAHAHAHA" maluwag na yata turnilyo nito sa utak

"Iniisip mo sigurong hindi siya pupunta? mali ka. Isa pa mahalaga ka kay Diamond kaya ililigtas ka niya para sa mahal niya. Nakakatuwa nga naman ang nagagawa ng pag-ibig" gusto ko pang mabuhay pero kung pupunta siya para iligtas lang ako mas maigi pang wag na

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Lime POV

Gusto ko pa sanang mainis kay Amber dahil sa pagkindat ni Jasper sa kanya pero wala kong oras para dun, kailangan ko muna yun isantabi.

"Ano ng plano Zir?" tanong ko sa kanya na kanina pa tahimik

Hindi niya pinansin ang tanong ko dahil sa biglang pagtunog ng cellphone niya. Habang binabasa niya ito nakakunot ang noo niya.

"D*mn!" mura niya na ikinalingon naming lahat

"Moon hanapin mo kung nasaan si Diamond, Lime bantayan mo siya kapag nakita na siya ng kambal mo" utos niya saming magkapatid

"Emerald kunin mo lahat ng mga antidote at lason na nagawa mo, Alex bantayan mo siya"

"Sapphire tulungan mong magplano si Alex pagbalik nila ni Emerald, siguraduhin mong hindi papalpak ang gagawin niyong plano"

"Crystal siguraduhin mong walang makakapasok sa school. Amber, i-ready mo ang sniper" pagkasabi niya nun samin iniwan niya kaming lahat na tulala at walang pasabi

Ito ang unang beses na kikilos kami bilang groupo na ganito kagulo ang sitwasyon.

"Guys let's go wag na tayong mag sayang ng oras" sabi samin ni Alex

Nag kanya-kanya kaming alisan at kilos gaya ng inutos ni Zir.

Habang busy si Moon sa paghahanap kay Diamond, ako naman kinakabahan sa mangyayari. Madaling mahahanap ni Bal si Diamond dahil yung kwintas na binigay niya dito may tracking device, para madali niya itong mahanap.

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon