Diamond's POV
Inaayusan ako ni Mama para sa party na sinasabi nila Mom.
"Ma, masiyado naman pong revealing yung dress" nakasimangot kong sabi
"Wala tayong magagawa nak, mommy mo ang pumili niyan"
Ilang oras ako inayusan bago matapos. Sinuot ko na ang puting cocktail dress at 4inch heels. Pakiramdam ko anumang oras matatapilok ako.
"Sumama ka nalang po kaya para may umalalay sakin maglakad" pamimilit ko kay Mama, hindi talaga yan nasama sakin kapag ganitong party ang pupuntahan ko nakakahiya daw.
"Pupunta naman talaga ko dun nak dahil kailangan ako ng Mommy mo" tsk! pupunta lang pala siya kasi kailangan siya ni Mom at hindi para sakin!
Sa inis ko umalis ako ng apartment ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Pagkabukas ko ng gate may nakaabang na nasasakyan na mukang sundo ko na pinadala ng parents ko.
Sumakay ako sa loob at pinikit ang mga mata para makaidlip dahil medyo mahaba-haba ang biyahe. Hindi ko naramdaman ang biyahe dahil sa pag idlip ko.
"Ma'am andito na po tayo" yugyog sakin kaya napadilat ako.
Inilibot ko ang paningin ko ng may pagtataka. Anong meron? bakit parang may kakaiba sa party na 'to?
"Sweety" mahinang tawag sakin ni Mommy. Nagbeso ako sa kaniya at nagmano kay Dad na walang emosyon na nakatingin sakin.
"Let's go, excited na ko" sabi ni Mom na halata naman
Pumasok kami sa loob ng hotel. Hotel kasi gaganapin yung party. Pagkapasok namin may isang pamilyang halatang elegante ang nag-uusap. Nang makalapit kami sa pwesto nila biglang nagsalita si Mom
"Kanina pa ba kayo? pasensya na kung nahuli kami" paumanhin ni Mom doon sa babaeng halos kasing edad niya lang
"No, it's ok napaaga lang din dating namin" nakangiti nitong tugon
"Siya ba ang unica hija niyo? manang mana sayo napakagandang dalaga" papuri niya sakin
"Salamat po" napipilitang sagot ko
"Maupo muna kayo, mukang matatagalan yung dalawa naming anak, nagtatalo na naman siguro" alok niya samin
Habang tahimik akong nakikinig sa usapan nila bigla nalang akong kinabahan dahil sa presensiya na nararamdaman ko. Napalingon ako sa buong piligid para hanapin ang nagmamay-ari ng mga matang nakatitig sakin. D*mn! sigurado kong siya yun!
"Are you alright?" tanong sakin ng kausap ni Mom kaya pati parents ko napatingin sakin
"Yes, ayos lang po ako, excuse me sa rest room lang po ako" paalam ko sa kanila sabay alis
Lakad takbo ang ginawa ko wala na kong pake kung nakaheels ako. Inilibot ko muli ang paningin ko sa pangalawang pagkakataon at nakita ko siya na nakatitig sakin. Pinuntahan ko kung nasaan siya at sa wakas naabutan ko rin siya. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Such a beautiful lady" papuri niya sakin
"What do you want from me?" lakas loob kong tanong kahit kinakabahan na talaga ko
"Ibibigay mo ba kung sasabihin ko sayo?" hindi ko naramdaman ang mabilis niyang paglapit sakin dahil sa sobrang distracted ako
"It depends" sagot ko
"All I want is you" bulong niya sa tainga ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko
"Ako ang gumamot sayo nung nalason ka sa pakikipaglaban mo. I also know your secrets" nagulat ako sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
Anonymous Academy (COMPLETED)
De TodoIsang paaralan na nahahati sa tatlong section pero hindi gaya ng pangkaraniwang eskwelahan dahil hinati sila based on their characteristics. ROYALTIES (STAR/FIRST SECTION) Sila yung section na tinitingala ng lahat dahil halos lahat ng gustuhin nila...
