CHAPTER 13

387 10 1
                                    

Amythest's POV

Napalingon ako sa kakarating lang na si Diamond, saan siya galing?

"Focus in our teacher's discussion" dinig kong bulong ni Emerald kaya nag focus nalang ako sa harap kung saan may nagtuturo

Nakakagulat ang mga nangyari kagabi sa party, ang mas nakakagulat pa ikakasal na sila Diamond at Zircon, I'm happy to the both of them.

Nakakapagtaka lang na himala kagabi mukang nagkasundo silang lahat at sabay-sabay na nawala sa venue. Tinanong pa ko ng parents ko kung sasama ba raw ako sa kanila but I refused, mukang hindi naman kasing hindi nila ko kailangan sa pupuntahan nila baka makasagabal lang ako.

After ng ilang subjects, break time na. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas ng room. Pagkalabas ko di pa nakakalayo si Diamond kaya tumakbo ko papunta sa kaniya. Narinig ko pang tinawag ako ni Emerald pero di ko nalang pinansin, panigurado magtatampo na naman yun.

"Diamond" tawag ko sa kanya sabay hawak sa braso niya para tumigil siya sa paglalakad ng maabutan ko siya

"Bakit?" tanong niya

"Wala lang, I just want to hang out with you" sabay ngiti ko ng malawak

"By the way congrats pala sa engagement niyo ni Zir" dahil sa sinabi ko inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at nauna siyang maglakad

"Will you please back off?" naiirita niyang sabi sakin

"Oh Hi Amethyst" bati sakin ni Lime kasama ang kambal, Amber at si Zir ng makita ako.

Magsasalita na sana ko nang biglang magsalita si Zir.

"Can we eat together?" aya ni Zir kay Diamond

Yiiieee nakakakilig, I wish I have a boyfriend like him.

"Wag kang mainggit sa kanila. Wala namang nakakainggit" napalingon ako kay Moon na nasa tabi ko na pala

"Kaya kong kumain ng walang kasabay" napasimangot ako sa naging sagot ni Diamond

"Don't be so mean Diamond" sabi ko sa kaniya sabay hawak sa kamay niya

"I said back off!"

Nagulat ako sa ginawa niya sakin nang bigla niya kong itulak. Napaupo tuloy ako sa sahig buti nalang nasa tabi ko si Moon kaya mabilis niya kong tinulungan makatayo.

Kita ko sa mga mata ni Moon ang inis nang bumaling siya kay Diamond, pati sila Zir mukang nainis sa ginawang pagtulak sakin ni Diamond.

Ang daming nakakita sa nangyari kaya pinagtitinginan kami.

"Sa mga chismosa't chismoso mag silayas kayo sa paningin namin walang sine dito aba!" sita ni Amber sa kanila

"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Moon habang sinusuri ang kabuuan ko

"No, I'm fine" sagot ko

"Bakit may dugo ka sa kamay mo?" napalingon sila sakin at nag-aalalang sinuri ang kamay ko

"Huh? thats not mi-" hindi ko natuloy ang sasabihin nang biglang nagkagulo sila Zir

"Moon check the cctv footage, Amber find Diamond, Lime call the others, Moon take care of her may pupuntahan lang ako" utos sa kanila ni Zir at agad nag sialisan

"A-Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong pero di niya ko sinagot

"Let's go" hinawakan ni Moon ang kamay ko at hinatak papuntang SSG HQ

"Just stay with me, wag kang aalis sa tabi ko" sabi niya sakin

Nang makarating kami sa SSG HQ nakita ko siyang kumuha ng isang laptop at nagtipa sa keyboard. Ilang minuto ang lumipas nag dial siya sa cellphone niya at may kinausap.

Anonymous Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon