Chapter 3

36K 815 117
                                    

Venus Thane's Pov

Buong gabi akong binangabag ng konsensya ko dahil sa nangyari. It was an accident, I didn't mean it but still it's my fault for being so careless.

Malamang ang tagal ng inabot bago n'ya natapos 'yong thesis tapos wala pang isang minuto'y nasira ko na.

Such a disaster, Venus Thane.

Wearing a black leggings and a sports bra I came out of my room. Dumiretso ako sa kusina sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa ro'n si Papa para sabay kaming makapag-agahan kaya lang ay wala akong nakitang kahit na sino sa dining.

"Venus." Anas ni Manang mula sa 'king likuran, pumihit ako paharap sa kanya at pilit na ngumiti.

"Si Papa po? Naka-alis na? Ang aga naman ata." Sunod-sunod kong tanong. I saw her checked me out before she finally pasted her eyes on my face.

Tumango s'ya at ngumiti rin.

"Maaga silang umalis ni Roberto, pupuntahan nila 'yong manggahan na gusto nilang bilhin sa Santa Catalina." She informed me. Nangunot ang mga noo ko.

"Where is that?" I asked her. Bago pa s'ya makapagsalita ay lumapit sa 'min ang isang kasambahay na pinakuha ko ng mat mula sa gym room.

"Ma'am saan ko po 'to ilalatag?" She asked politely. Maging si Manang ay napatingin ro'n. Sandali kong inikot ang aking mata sa paligid hanggang sa makita ko 'yong glass door na nasa dining na p'wedeng daanan papunta sa pool area.

Itinuro ko 'yon sa kanya.

"Sa gilid na lang ng pool, thank you." I mumbled. Mabilis naman s'yang tumalima sa utos at naiwan muli kaming dalawa ni Manang sa kusina.

"Mag-eehersisyo ka?" Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa salitang binitiwan n'ya na hindi ko kaagad naintindihan. The corner of her lips stretched into a smile as she realize the reason of my confusion.

"Exercise, mag-eexercise ka?" Napangiti ako ng dahil ro'n. I guess I need to deepen my filipino vocabulary.

"Yoga lang po." I answered.

"Manang ito na— Good morning Ma'am." Magalang na bati sa 'kin ni Celine at bahagya pang yumuko saka n'ya inilapag sa counter ng kitchen iyong basket na may lamang mga gulay.

"Lilinis ko na po 'yong mga kwarto sa taas— Celine wait." Agap ko. I took an abrupt step and inched our distance. May ngiti sa labing hinarap n'ya 'ko.

"About what happened last night, I'm really really sorry." Mabilis s'yang umiling at sinabayan pa 'yon nang pagkumpas n'ya ng kanyang kamay.

"Ayos lang Ma'am...mas nakabuti nga ata 'yon, tinulungan ako ni Ariz na tapusin 'yon kagabi mas maganda 'yong thesis ko ngayon kaysa ro'n sa una." Aniya, nakangiti.

That weak smile on my lips froze at the thought that popped in my head.

"Magkasama kayo buong g-gabi?" Mahina kong tanong. Bagaman mukhang naweweirduhan s'ya sa tanong kong 'yon ay tumango pa rin s'ya sa 'kin.

Pictures of them doing something else beside her thesis flashed in my mind that I nearly blurted out a curse.

Ba't ko 'y-yon naisip?

"Okay then." I mumbled and turned my back on her.

I closed my eyes and practice my breathing exscercise for a moment. Ang isang paa ko'y nagsilbing suporta ko sa 'king pagtayo habang ang isa naman ay unti-unti kong iniangat at tinupi kapantay ng aking tuhod.

I breathe deeply and released it.

Dahan-dahan kong inunat ang aking mga kamay saka 'yon itinapat sa 'king dibdib at pinaglapat, animo'y nagdaral. Muli'y lumanghap ako ng hangin saka 'yon pinakawalan.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon