Chapter 16

26.3K 602 43
                                    

Venus Thane's Pov

"Venus, tara manuod tayo ng practice game." Pagyaya sa 'kin ni Melody, kakatapos lang ng last period namin at ibinabalik ko pa lang ang mga gamit sa loob ng aking bag. May dalawang linggo na rin simula nang mag-umpisa ang pasukan at tanging si Melody pa lang ang naging kaclose ko dito.

Para kasing iniiwasan ako ng iba pa naming mga kaklaseng babae. "Kunware lang naman 'yan na mabait, alam mo ba ang sabi ni Ate, natanggal daw si Ate Celine sa mansyon dahil sa kagagawan ni Venus, spoiled brat." My eyes shifted towards the direction of those girls whose whispering things about me. Hindi nga ata 'yon pabulong dahil rinig na rinig ko naman. Its my fault, I acknowledge that but Celine is at fault too. Bakit ako lang ang lumalabas na masama?

She provoked me!

Kaagad na niyaya ni Leanne ang tatlo pa naming kaklaseng babae na umalis na matapos magtama ng mga mata namin. She shamelessly rolled her eyes on me and step outside. Napabuntong hininga na lang ako bago ipinagpatuloy ang ginagagawa kung pagliligpit.

"Huwag mo na lang silang pansinin ganoon talaga sina Leanne palaging insecure sa mas nakaangat sa kanila kaya lagi kang pinagchichismisan." Saad ni Melody. Hindi na 'ko kumibo pa't sinukbit na lamang ang aking bag sa likuran. Diretso lang ang lakad namin palabas ng building at katulad ng sinabi niya kanina ay dumiretso kami sa may covered court ng school kung saan may nagaganap na practice game ng basketball.

"Si Kuya Ariz oh!" Mabilis na ginalugad ng mata ko ang covered court dahil sa sinabi ni Melody. I couldn't help but to be amaze as I watch his movement. Bawat pag-atras at abante kasabay ng pagdrible niya sa bola bago niya 'yon tuluyang pinakawalan ay nagpamangha sa 'kin. His movement screams nothing but firmness and masculinity.

Hindi ko alam na varsity player pala siya ng basketball team.

"Alam mo ba, narinig ko lang din 'to sa mga student ng engineering department noong isang araw." Sinulyapan ko ang bumubulong na si Melody, ang mga mata niya ay nakapako pa rin kina Ariz at may buong paghanga itong pinanunuod. "May nililigawan na daw si Kuya Ariz, hindi lang nila alam kung sino basta ang sigurado daw hindi 'yon si Ate Celine." Pagpapatuloy niya. Hindi talaga si Celine 'yon, kasi ako ang nililigawan ni Icarus, Melody. Ako 'yon!

"Hindi ako magtatagal ah, naghihintay na rin siguro 'yong driver ko sa may parking lot eh." I reminded her as we walk towards the set of empty benches. Bago namin marating ang bench kung saan kami mauupo ay madadaanan muna namin ang pwesto nina Leanne kasama ang mga kaibigan niya at si...Celine.

I felt Melody's questioning look at me as I stopped walking after I get to see Celine. Kung dati ay pasikreto lang siyang galit at naiinis sa 'kin, ngayon ay kitang-kita na ang mga galit na 'yon sa kaniyang mata at hindi na siya nag-aaksaya pa ng panahon na itago 'yon sa 'kin.

Hindi ganoon kalawak ang campus ng Santiago Central College pero lahat naman ng importanteng facilities ay mayroon sila katulad ng covered court nito. Disadvantage lang para sa 'kin at malamang kay Celine na rin na lagi kaming nagkakasalubong sa nakalipas na dalawang linggo.

Katulad na lang noong isang araw sa library, papalabas siya non at papasok naman ako para kunin ang kakailanganin kung reference book. Kahit na malapad ang pinto at pwede naman na hindi niya 'ko mabunggo ay sinadya niya talaga 'yon. She didn't even say sorry though it is clear that its her fault, pinalampas ko na lang 'yon.

"Bakit?" Pabalik-balik ang tingin ni Melody sa 'kin at sa grupo nina Celine nang tinanong n'ya 'yon. Iniling ko ang aking ulo at taas noong naglakad papunta sa bench.

"Nothing." She nodded her head. Hinila niya na 'ko para lampasan ang pwesto nina Celine para maka-upo na kami pero bago pa kami tuluyang makalampas sa grupo nila ay naramdaman kung may pumatid sa 'kin na ikinawala ng aking balanse na naging dahilan para mapasalampak ako sa gilid ng basketball court.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon