Chapter 7

32.7K 930 123
                                    

Venus Thane's Pov

"Pms ka?" Pang-aasar pa ni Kuya Ranus nang makababa na kaming tatlo nina Saturn sa chevrolet n'ya. I rolled my eyes on him and was about to go upstairs but quick to stop as I heard my father's voice.

"There she is." Sakto sa paglingon ko sa gawi ng sofa ay namataan ko si Papa at Manang na may kausap na madre.

"Venus hija, pumarito ka nga muna." Anas ni Mamang at imwinestra pa ang kaniyang kamay na lumapit ako sa kanila.

With hesitant step, I came to her.

"P-po?" May pilit na ngiting tanong ko sa kanila.

"Yan pinuntahan ka na ng madre rito, pati simbahan naramdaman iyong pagmamaldita mo kanina." Panunukso ni Saturn. I narrowed my eyes on him and on the act of hitting his arms when Papa cleared his throat—telling us to stop.

"Sa garden lang kami Tito." Paalam ni Kuya Ranus at hinila na rin kasama n'ya si Saturn na may nakakainis pa ring kislap sa mga matang nakatingin sa 'kin.

"Magpapadala na lang ako ng meryenda r'yan!" Pahabol na sinabi ni Manang. Silence ate us up after that.

"Hija, ito nga pala si Sister. Ledesma ng simbahan natin sa sentral, siya rin ang punong abala para sa Flores De Mayo." She explained. The corner of my lip at the newly acquired information. I know what is Flores De Mayo but I never get to join one...nasa New York nga kasi ako at wala namang gano'n doon.

"Sa biyernes na kasi ang santa cruzan, si Tessa 'yong Reyna Elena dapat namin nagkaroon siya ng bulutong tubig." Panimula ni Sister. Sumulyap ako kay Papa ngunit ngumiti lang siya sa 'kin.

I pasted my eyes back on her and smile.

"Baka lang gusto mo na pumalit sa kaniya." She mumbled. Sandali kami nabalot nang katahimikan bago 'yon binasag ng aking matinis na boses dahil sa biglaan kong pagsigaw.

"Oh My Gosh, Pa! Manang!" I squeeled. Literal na tinalon ko ang distansya sa pagitan namin ni Papa saka ko siya mahigpit na niyakap at inuga-uga pa dahil sa sobrang excitement at pagkatuwang nararamdaman.

"I-I should tell Mom! She needs to come home and...and help me with my gown, h-hair—everything!" I blurted out and grin even more.

"Sa palagay ko'y pumapayag naman siya." Untag ni Sister Ledesma na ikinatawa na lang namin.

"Manang pinatawag n'yo raw po ako—Sister, magandang hapon." Mabilis akong tumayo mula sa kandungan ni Papa at matuwid na tumayo nang marinig ko ang boses ni Icarus.

"Kagagaling ko lang ho kina Tessa, hindi na raw s'ya makakasali sa Flores De Mayo, sino na ho ang bagong Reyna Elena?" He ask casually. Unti-unting nawala ang ngiti sa 'king labi at napalitan na lang ng ngiwi. Galing siya ro'n kina Tessa? Anong ginawa n'ya ro'n?

Ba't parang lahat ata ng babae sa buong Santiago ay kaibigan n'ya? Icarus Theodore Hernandez, napaka-friendly mo naman!

"This beautiful maiden." Saad ni Sister saka ako itinuro. His eyes wide open as he seems to be shock at the announcement.

Ibinuka n'ya ang kaniyang animo'y may opinyon siyang gustong sabihin ngunit mas pinili niyang manahimik na lang.

"Venus, ayos lang naman sa'yo kung si Icarus ang magiging escort mo di ba? Sitya kasi ang escort ni Tessa." Tanong sa 'kin ni Sister. Ilang saglit rin akong natulala kay Icarus bago ko nagawang igalaw ang ulo ko at tumango bilang pagsang-ayon sa sinasabi n'ya.

"Nakapaghain na kami Sister, tara't sa hardin natin pag-usapan ang iba pang bagay." Yaya ni Manang na senegundahan lang ni Papa.

They start talking about things I couldn't understand as they make their way towards the sliding door that'll bring them in the mansion's garden.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon