Chapter 31

25.1K 720 76
                                    

Venus Thane's Pov

"We're here," sambit ni Ariz nang tumigil kami sa tapat ng isang malaking at may contemporary na disenyo ng bahay. Ilang metro ang layo nito mula sa dalampasigan at sigurado akong napaka-gandang pagmasdan nang paglubog ng araw mula sa balkonahe ng kaniyang bahay.

Hindi katulad ng gate at bakod ng aming bahay, ang kay Ariz ay mababa lamang at kulay puti.

Mula sa labas ay nagsusumigaw ang panlalaking disenyo ng bahay at kapansin-pansin na neutral color lamang ang kabuang pinturang ginamit sa bahay, tanging puti, beinge at brown lamang.

Maging ang playhouse, slide at seesaw na nakalagay sa harapang parte ng bakuran niya ay kapareho lang din ng kulay katulad sa kaniyang bahay.

If I'll base on his house, this car and those that I have seen properly parked at his garage and the flower farm, Ariz and I do belong on the same society now.

Kaagad kong napigil ang aking paghinga nang inilapit n'ya sa 'kin ang kaniyang mukha matapos niya 'kong pagbuksan ng pinto ng sasakyan.

A closer view of his mature and yet more handsome face made it even more hard for me to breathe properly.

Nahigit ko lamang ang aking hininga at napakalma kahit papaano ang aking sarili nang makalayo na s'ya sa 'kin matapos niyang kunin mula sa 'king kandungan ang nakatulog ng si Luna.

"Mama," bulong nito habang nakaturo sa 'kin nang maalimpungtana siya kahit na hindi pa man din kami tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nila.

Nang hindi kami kumilos ni Ariz ay si Luna na mismo ang bumaba mula sa braso ng kaniyang Papa at napipikit na bumalik sa 'kin. Ipinantay ko ang taas naming dalawa saka ko siya muling binuhat.

"Mama," her sweet and soft voice is so endearing that it made my eyes tear a bit. Ang weird para sa 'kin ng lahat ng nararamdaman ko.

Hindi ko siya anak pero bakit ang sarap-sarap sa pakiramdam na tinatawag niya 'kong mama? Was it because I am in love with Ariz that I want to become the mother of his child too?

Hindi ko alam.

"Baby—,"

"A-ayos l-lang," I stuttered out of embarrassment. Pakiramdam ko ang assuming ko sa part na ako ang sumagot nang sabihin niya ang salitang baby kahit na alam ko at malinaw naman na si Luna ang tinutukoy nito.

Our eyes locked in until I withdraw from it ang looked away. Binubundol pa rin ako ng nakababaliw na kaba sa t'wing magkakatitigan kaming dalawa katulad ng dati.

I hate my heart for having this nuisance reaction every single time.

"Engineer," nakangiting sumalubong sa 'min ang isang pamilyar na babaeng  sa wari ko ay mas bata lamang sa 'kin ng ilang taon. Siya rin 'yong nag-aalaga kay Luna kahapon nang pumunta sila sa mansyon.

"Wala pa ba si Mang Imelda?" Katulad ng dagat na nasa labas, kalmado rin ang boses ni Ariz nang tinanong n'ya 'yon.

My eyes roam around his living room. The contemporary vibes in here tigthen with the focus of basic and simple furnitures, the same neutral colors of the wall, and floor that was made out of hard woods that is so clean I think it'll be possible for me to see my reflection on it.

The accent and the grand focus point that his living room offer was the astonishing lightings.

Siya lang kaya ang disenyo ng bahay na 'to? Napaka-ganda kasi, napaka-homy ng dating halos ang layo ng vibe nito mula sa kaniya na naka-iintimidate.

Unknown feeling washed me off as my eyes landed on a certain brown table, sa taas non ay may portrait ni Ariz at Luna na mukhang handpaint habang sa mismong lamesa naman nakapatong ang iba't ibang picture frame na karamihan ay si Luna rin ang laman.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon