Chapter 35

26K 743 106
                                    

Venus Thane's Pov

"Seriously? Dumiretso ka talaga ng hair salon para magpaputol ng buhok pagkarating na pagkarating mo rito sa New York?" Gresya couldn't hide her laughs as she asked me those. Bahagya pang gumulo ang video dahil sa panginginig ng kamay nito dulot ng pagtawa n'ya.

I frowned at her.

The elevator's door opened and I was quick to step inside of it before I pressed the 15th floor button where my condo unit is before I directed my attention back on the screen of my phone.

"Bawal ba?" Pataray na tanong ko sa kaniya. She grinned and shook her head immediately. Mula sa higaan nito ay lumipat s'ya sa may balcony kung kaya't bahagya ring nakita sa background nito ang nagtataasang gusaling nakapalibot sa building kung nasaan ang condo unit n'ya.

Sakto sa muli nitong paghagikhik ay bumukas na ang elevator sa tamang palad. I waste no time and took a few steps before I reached the door of my unit.

"Hindi naman. You're dope, usually the first thing a normal people would do as soon as they get off a plane after a long flight is to went straight home, sleep and take a rest. Ikaw ata ang una kong nabalitaan na dumiretso sa hairsalon." I gritted my teeth out of a little bit of annoyance for her.

Dapat pala hindi ko na s'ya ivinideo call para ipaalam na nagpagupit ako ng buhok. Hindi naman totally gupit, trim lang 'yon ta's mabilisang hair treatment dahil katulad ko ay ang lungkot at dry na ring tingnan ng buhok ko.

"Punta ka rito? Magluluto ako ta's netflix tayo," I offered. Inilipat ko ang pagkakahawak ng cellphone sa 'king kaliwang kamay at gamit ang isa pa'y inenter ko ang passcode ng pinto.

Gresya looked stun when I look back at her. Parang may kung ano itong narinig mula sa 'kin na mala-himala ang dating para sa kaniya.

"You can cook? Wow! See, Santiago has a good effect on you. Mahigit isang linggo ka lang doon ay natuto ka ng magluto," sabi n'ya.

I burst out of laughing that made her forehead crane and crinkled.

"Hindi naman luto, I'll just make some popcorns and order a pizza and chicken and beer. I suck at cooking and probably, I'd die not being able to fried an egg perfectly," sabi ko. Tuluyan ko nang itinulak pabukas ang pinto at pumasok sa loob.

Something's odd, parang may mali...may kulang. Iginala ko ang aking mata sa kabuan ng sala ngunit walang nabago roon. Wala rin namang kulang na gamit pero parang mayroon talagang mali.

"Good afternoon, Ms. Venus." Bati sa 'kin ni Andrea, madalas sa t'wing umaalis ako ng New York para magbakasyon papunta sa iba pang state ng America o hindi naman kaya ay sa ibang bansa ay s'ya ang naiiwan para bantayan dito si Icarus.

I turned at her, still wondering what is it that's off.

"Did you change something in here?" I asked curiously and roamed my eyes around. Nang tumapat ang mata ko sa  kutson na tinutulugan ni Icarus ay tsaka ko lamang napagtanto kung ano ba ang kulang dito sa bahay.

"Wala naman po akong binago," muli akong bumaling sa kaniya. Inilapag ko ang aking bag sa may sofa, patuloy pa rin ang pagvivideo call namin ni Gresya at tahimik lang itong nakikinig sa pinag-uusapan namim ni Andrea.

Hindi sumalubong sa 'kin si Daedalus ngayon, tahimik ang bahay dahil hindi ito nag-iingay sa pamamagitan nang pagtahol n'ya at wala ring makulit na asong tumatakbo-takbo sa paligid.

"Venus, I'll end this so I could take a bath and be there after an hour, sayang naman kasi ang papopcorn mo," she teased and the video call ended. Inilapag ko ang aking cellphone sa ibabaw ng coffee table at  sinimulan ng tawagin si Icarus pero walang lumalapit sa 'kin.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon