Chapter 23

25.8K 691 79
                                    

Venus Thane's Pov

For the nth time this day, I closed my eyes as I averted my gaze from him. Higit sa pagkakapahiya dahil sa nangyari sa kwarto ni Icarus kanina, mas nangingibabaw sa 'kin ang inis para sa kaniya.

I literally walk out on him as I heard his words, frustrated and annoyed.

"Birthday boy, uminom ka." Kantyaw ni Mang Fred kay Ariz. Inabutan niya 'to ng isang basong may katamtamang dami ng isang local brand na liquor. Icarus looked around and when Mang Fred noticed it he was quick to tease him for that.

Sumulyap ako sa 'king relo na nasa pala-pulsuhan at nakitang alas-siete na ng gabi. Kailangan ko ng umuwi. Maya-maya lang ay tatawag na si Mama.

"Wala naman si Celine atsaka isang baso lang naman 'to eh." Mang Fred added. Marahan kong pinalo ang aking binti ng muli kong maramdamam ang pagkagat sa 'kin ng lamok. Kanina ko pa 'yon tinitiis, ang kati-kati na ng buong binti ko.

Nahagip ng mata ko ang pagdaan ni Mang Robert sa 'king harapan. I stood up and with few steps I inch our distance. "Señorita." Anas nito ng makita ako. Namumula na ang mukha n'ya maging ang leeg n'ya dahil sa kalasingan bukod pa roon ay naamoy ko na rin sa mismong hininga niya ang matapang na alak na kanina pa nila pinagsasaluhan kasama ng ibang mga bisita.

I forced a smile and grasp on the strap of my satchel bag.

"Mauuna na po akong umuwi, tatawag kasi sa 'kin si Mama mamaya...kapag nagising po si Manang at Mang Ed paki-sabihan na lang sila na umuwi na 'ko—Pa, ako ng bahala rito." Saad ng kalmadong boses sa likuran ko. Marahang ginulo ni Mang Robert ang buhok ko suot ang malapad na ngisi. Itinuro n'ya si Icarus na nasa likuran ko na hindi ko pa rin nililingon.

Naiinis pa rin ako sa kaniya. How dare him do that thing to me?

"Si A-ariz na pala ang bahala sa'yo...h'wag kang mag-alala Señorita mabait naman 'yan, p'wede mo nga 'yang maging Kuya kong gusto mo." Napangiwi ako sa sinabing 'yon ni Mang Robert. Remembering those kisses we shared and how he can make me incredibly horny with few strokes of his hands against my body—hindi ko s'ya p'wedeng maging Kuya, magiging napaka-makasalanan ko na kapag nangyari 'yon.

Before I can even utter something, gumegewang na naglakad na papunta sa lamesa kung nasaan ang iba pang kainuman niya si Mang Robert.

"Magtatricycle na lang ako pabalik ng mansyon, lasing si Mang Ed nasa kaniya ang susi ng SUV ayoko ng istorbohin pa siya." Sabi ko bago tuluyang lumakad palabas ng bakuran nila. I felt him right behind me. Kahit hindi ko siya nakikita napaka-pamilyar sa 'kin ng pakiramdam kapag nasa tabi ko lang siya.

Ilang minuto ang lumipas bago ko nakita ang papalapit na tricycle. I waved my hands on it just like how I saw Manang does it. Huminto 'yon sa harap ko.

"Sa mansyon po ng mga Cojuangco." I murmured. Nang tumango sa 'kin ang driver ay maibilis na 'kong pumasok sa loob, ni hindi na nilingon si Ariz. My eyes widened, para akong nakakita ng bagong diskubreng nilalang ng sumakay din si Ariz ng tricycle.

The corner of my lip twitched. "Hindi mo na 'ko kailangang ihatid." Giit ko sa kaniya. Nakita ko ang pagdukot niya ng singkwenta pesos sa bulsa ng suot niyang kupas na pantalon at inabot sa driver.

"Tara na ho." I give up as soon as he realize that he really won't allowed to go home alone. Bahala siya. Walang kahit na anong usapan ang nabuo sa pagitan naming dalawa. Tanging ingay lamang na galing sa makina ng sinasakyang tricycle ang bumabalot sa 'ming dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng mansyon. Bumaba na kaagad siya at ganoon din ang ginawa ko. Bago pa man ako makapag-door bell ay bumukas na ang gate.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon