Chapter 40

29.1K 713 95
                                    

Venus Thane's Pov

Kaagad na napunta ang mga mata ko sa pinto ng kwarto ni Luna pagkatapos kong makarinig ng dalawang beses na pagkatok mula ro'n.

My forehead crinkle a bit. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama saka inayos ng bahagya ang aking sarili at pupunta na sana sa may pinto para tingnan kung sino man ang kumatok mula roon nang bumukas na 'yon at bumungad sa 'kin si Lierelle.

Her eyes is swollen and the tears that is visible in the corner of her pools tells me the reason of her blood shot eyes. Namumula rin ang kaniyang ilong at ang pang-ibaba niyang labi ay nanginginig sa pagpipilit nitong itago ang mga hikbi n'ya.

I walk hastily to her.

"May p-problema ba?" I gulped. She look at me and shook her head. Ngumiti s'ya sa 'kin ngunit ang pagkurba ng labi n'ya ay hindi umabot at nagpatuloy sa kislap ng kaniyang mata.

Her eyes is sad and dead. Like an island situated in a middle of grievous sea.

"Nag-away ba kayo ni Ariz?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Tumingin s'ya sa 'kin ngunit hindi ito nagsalita. Natahimik na rin ako at pinanuod na lang s'ya na umupo sa gilid ng kama ni Luna at pagmasdan ang anak ko mula sa kaniyang pagkahihimbing.

Inayos niya ang kumot nito saka n'ya inilapit ang kaniyang labi sa noo ni Luna para sa isang halik na nagtagal ng ilang segundo.

She stood up and yet her back remained facing me, sa bawat paghikbi n'ya hindi ko maiwasang isipin na baka may kinalaman ako sa mga 'yon.

Maybe I am hurting her, unintentionally. Gano'n naman kasi minsan, may mga tao tayong nasasaktan ng hindi natin sinasadya.

"You're still in love with him." It wasn't a question but a statement from her. Nanlaki ang mata ko, gano'n ba 'ko kahalata?

"Lierelle..."

Pumihit s'ya paharap sa 'kin, nakangiti pero malungkot pa rin. Walang galit pero sobrang namamayani ang kalungkutan sa mga mata n'ya.

Her smile widened. Iginala nito ang kaniyang mata sa kabuan ng kwarto hanggang sa mapunta 'yon sa picture frame ni Ariz at Luna na nasa may side table. Mas lalong pumakla ang ngiting ibinibigay n'ya sa 'kin.

Inayos nito ang buhok n'ya saka humarap sa 'kin nang tuluyan. Her full attention on me somehow made it hard for me to breathe, not because I am scared of her but because I hate seeing another woman cried.

"Dati...noong akala ko na si Celine 'yong totoong Mama ni Luna, na s'ya rin 'yong babaeng mahal na mahal ni Ariz akala ko noon kaya kong palitan 'yong pwesto n'ya sa buhay nilang dalawa," a tear escape in her even if its clear that she's trying hard not to weep in front of me.

Pinalis n'ya 'yon kaagad sa kaniyang pisnge.

"Luna may not be my biological daughter but I loved her like one, I loved Icarus with all of my heart, sa paraang alam ko, sa paraang akala ko sapat na para mapalitan ko 'yong babaeng mahal na mahal n-n'ya," her voice broke and so do my heart.

Hindi ko intensyon na makapanakit pa. Handa naman akong manahimik na lang at h'wag nang ipursue ang nararamdaman ko kay Ariz. I just want to have Luna, s'ya lang naman 'yong dahilan kung bakit nanatili pa 'ko rito.

"Lierelle—,"

"You shut up and listen to me!" Gulat na napatingin ako sa kaniya dahil sa biglaan nitong pagsigaw sa 'kin. I shifted my eyes from her to see if Luna was awaken by her, Thanks God it didn't.

"B-bumalik ka na sa kaniya, iyong lalaking mahal na mahal ko parang awa mo na h'wag mo na siyang pahirapan. Gawin mo para sa 'kin, para kay Luna... Balikan mo na sila. Kahit na ibuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanila at maubos ako nang tuluyan...alam ko na hindi kita mapapalitan," I was caught off-guard when she took a step and hugged me tightly.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon