Chapter 22

24.7K 613 42
                                    

Venus Thane's Pov

"Kain lang ng kain, Señorita ha? Kakaonti ka lang ata kumain kaya ang payat mo." Natatawang komento ni Mang Robert. Hindi na 'ko nakapagprotesta nang makita ko ang sandamakmak na mga pagkaing nakalagay sa platong iniabot n'ya sa 'kin. Mukhang masasarap ang lahat ng 'yon kaya lang hindi pa 'ko sigurado kung mauubos ko ba 'yon.

"Si Ariz pa mismo ang nagluto ng mga 'yan kanina."

"Thank you po." I muttered and accepted the plate. Iginala kong muli ang aking mata sa paligid at lalong napangiti. Ang iba sa mga tauhan na nakasabay kong mananghalian sa plantasyon noong nakaraang linggo ay narito lahat. Masaya silang kumakain habang ang iba naman ay nag-iinoman at kumakanta gamit ang videoke na nirentahan nila.

"Ito pa." Nanlaki na talaga ang mata ko matapos makita ang bowl na may lamang fruit salad na ipinatong ni Icarus sa lamesa kung saan ako kumakain. The corner of my lip twitch. Hinila niya ang isang monobloc chair at naupo sa 'king tabi.

"I can't finish all of this. Para naman akong bibitayin nito." Ungot ko. The mere sight of those mouth-watering foods make me feel as if I'm already full. Mas hinila niya ang upuan niya palapit sa 'kin hangang sa halos wala ng space na naghihiwalay sa 'ming dalawa. Iniiwas ko ang mga mata ko sa kaniya para tingnan kung mayroon bang nakakapansin sa 'ming dalawa pero mukhang wala naman.

Abala sila sa nagaganap na kasiyahan maging si Manang ay nag-eenjoy sa pagkanta niya sa videoke sa saliw ng hindi pamilyar na musika. Isa lang ang alam ko. Maganda at nakakarelax ang boses n'ya.

"Ubusin mo 'yan, Señorita. Kapag hindi mo 'yan naubos bibitayin ka talaga ni Papa, ayaw niya sa mga taong nag-aaksaya ng pagkain." Wala sa sarili at kinakabahan akong napatingin sa mga pagkaing nasa plato ko saka napalunok.

Nabalot kami ng katahimikan na dalawa bago s'ya humalakhak. My hand automatically did its revenge for him as I hit him hard on his arm with its poppin' muscles. Imbes na siya ang masaktan ay ako pa dahil sa tigas non.

Napangiwi ako at mabilis na minasahe ang sarili kong palad, sa isang iglap ay sumeryoso ang mukha n'ya. He grab my hand to check on it. Hindi ko alam pero namumula na 'yon ngayon. I bit my lower lip as I tried to withdraw my hand from his grip yet he refused too.

"Lalagyan ko ng yelo—Ayos lang, mawawala rin 'yan. I-iyong balat ko kasi talaga mabilis lang mamula o mamantal sa simpleng h-hampas." Nauutal kong sinabi, nahihiya sapagkat ako naman ang namalo sa kaniya ta's kamay ko pa ang namula. Jesus Christ!

He look up to me with his eyes worried. Icarus clenched were jaw as if seeing my hand like that pissed him so much.

"Ariz—" Sa pilitan ko ng binawi sa kaniya ang palad ko at nilingon ang babaeng nagmamay-ari ng malambing na boses. Wearing a white knee length maxi dress, ang buhok niyang nakatali sa katamtaman taas. Mukhang isang anghel na naligaw si Celine sa lupa ng makita ko siya.

"Happy Birthday, p'wede ba tayong mag-usap?" Sumulyap s'ya sa 'kin.

"Iyong tayong dalawa lang sana."

Malayo sa talim ng tingin na ipinupukol n'ya sa 'kin kaninang umaga ng magkita kami sa mansyon. Ang mata niya ay nagpapakita ng isang kislap kung saan kinukubli nito ang totoong nararamdaman niya para sa 'kin. Galit at inis.

I took a glimpse of him and nodded. "N-nasaan 'yong cr n'yo?" Bigla kong tinanong sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Malapit sa may kusina sa bandang kaliwa." Ani nito sa mababa at maingat na tono. Kinuha ko ang satchel bag na nasa ibabaw din ng lamesa at iniwan na silang dalawa para makapag-usap kagaya ng hiling ni Celine. Nasa may sala na 'ko ng bahay nila ng magkaroon ako ng lakas ng loob na lingonin ang pwesto kung saan ko sila iniwan.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon