Chapter 36

25.5K 673 70
                                    

Venus Thane's Pov

"Nasaan sina Mama?" Kuya Ranus looked shock at my sudden presence in the Cojuangco's residence. Tinapos n'ya muna saglit ang pakikipag-usap sa isang trabahador nila sa bahay saka ito tuluyang lumapit sa 'kin ng may pagtataka.

He gulped and his eyes watched me earnestly, like a King trying to observe if I am a threat to him or not.

I gritted my teeth and clenched my jaws.

"Hindi ba't nauna ka nang umuwi ng New York?" He asked back, trying to divert the topic. Galit at marahas na inilabas ko ang kopya ng mga picture na iprinint ko matapos maipasa sa 'kin ng nurse na nakausap ko noong isang araw ang mga litratong ipinakita n'ya sa 'kin.

His eyes landed on him. Shock is an understatement. The moment he looked down on the pictures, pure worry and anxiousness flashed against his eyes that he managed to masked up immediately.

He compose himself and stood up potently in front of me.

"What are those? Where did you get...t-those?" May panginginig sa boses na tanong n'ya sa 'kin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't tuluyan ko nang pinutol ang distansya naming dalawa.

I lost count of times my palm met his cheeks. I didn't stop slapping until I broke into tears. Hindi siya pumalag at hindi rin n'ya 'ko pinigilan.

"Venus—,"

"Sinungaling kayo. Kuya nagtanong ako, nagmakaawa ako sa inyo para sa katotohanang hinihingi ko at iba pang tao ang nagsabi no'n sa 'kin!" I pushed him quickly away from me as he tried to hushed and calm me down. Napaatras ito ng kaonti, gulong-gulo na rin s'ya.

I smiled bitterly and wiped my own tears because no one will do it for me. Pagkatapos ng mga nalaman ko, pakiramdam ko sarili ko na lang ang kakampi ko dahil maging siya na akala kong laging nasa panig ko'y nagawang itago sa 'kin ang totoong nangyari.

"I'm sorry," he said sadly. Kitang-kita ang pagsisi sa mga mata nito. Mabilis akong umiling sa kaniya at muling tinabig ang kamay nitong sumubok na hawakan ako.

I took a steps away from me to maintain our distance.

"Sorry? Inalisan niyo ko nang pagkakataon na makasama 'yong anak ko, na maging nanay sa anak ko at wala kayong balak na ipaalam sa 'kin 'yon!"

"Venus Thane, what are you doing here? You supposed to be back in New York." Mama's frantic voice made me look at her direction. Kasama n'ya si Papa at kakapasok lamang nilang dalawa sa loob ng mansyon.

Ang reaction nilang dalawa ay katulad lang ng reaction ni Kuya Ranus kanina nang makita niya 'kong dumating.

I walk near her furiously and did something to her that I never imagined I can do, in my entire life at this lifetime.

I slapped her ferociously that leads her to fall of the mansion's marble and elegant floor. Halos magkasabay na umapoy ang galit naming dalawa dahil sa ginawa kong pisikal na pananakit sa kaniya.

Mas sobra nga lang ang sa 'kin at sa pagkakataong ito'y wala akong balak magpasailalim sa takot ko sa 'king sariling ina maging sa awtorisasyon na palaging isinisigaw ng pagkatao nito.

"Venus!" Papa's angry voice echoed when he faced me after he helped Mama to stand up. Mas doble pa ang galit sa 'king pagtitig nang salubungin ko ang nagbabadyang mala-bagyong galit na mayroon silang dalawa para sa ginawa ko.

"How dare you?!"

Mama grabbed my hand and yet I was quick to shunt her hands of me.

"I should be the one saying that, Ma. How dare you? Paano mo nagawa 'yon sa 'kin—sa 'min? You let your own grand daughter to grow up without a mere knowledge about me! Ina ka rin, kung mayroon mang makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon, Ma hindi ba't ikaw dapat 'yon? Paano mo nagawang ilayo ang anak ko sa 'kin samantalang Ina ka rin? Gano'n ka kasama, Ma? Ganoon ba kahalaga sa 'yo ang putanginang reputasyon na pinangangalagaan mo?" Moments of silent from the four of us arise.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon