Chapter 14

26.1K 618 46
                                    

Venus Thane's Pov

I am always jealous of the fact that Celine knows so much about Icarus. Miski nga ata ibig sabihin ng simpleng pagbuntong hininga ni Ariz alam n'ya ang ibig sabihin.

Kaya minsan hindi ko rin maiwasan na sumagi sa 'king isip na baka pasikretong may galit sa 'kin si Celine. Hindi man sila ni Ariz pero pakiramdam ko inagaw ko pa rin 'to sa kaniya.

"Hindi mo ba gusto 'yong pagkain mo?" Natigil ako sa malalim na pag-iisip at napatingin kay Manang na naghihiwa ng mga gulay sa 'king harapan. Binitawan ko ang mga kubyertos na hawak at ngumiti sa kaniya.

"Hindi naman po, busog lang ata ako." I mumbled and reached for a glass of water. Kanina pang madaling araw umalis sina Mama papuntang Thailand samantalang mamayang gabi naman na ang Summer Festival at sa susunod na araw ay simula na nang pasukan.

"Napaka-ganda mo talaga kahapon hija...maraming nagsasabing bagay kayo ni Ariz..." Nabalot kami ng katahimikan sa kusina sa pagdating ni Celine. Isang bayong ang bitbit niya na may laman siguro ng mga pinamalengke n'ya. Ngumiti ako sa kaniya ngunit isang pagtungo lang ang tinugon n'ya sa 'kin bago s'ya nagtungo sa dirty kitchen.

"Sandali lang po. May itatanong lang ako kay Celine." Manang nodded. Maingat na ibinalik ko sa may counter ang basong ginamit na hindi ko pa naubos ang laman na tubig saka pumihit paharap sa direksyon ng dirty kitchen at nagsimula ng maglakad.

"Mayaman lang naman siya, pero kung ako rin magiging mayaman. Siguradong mas maganda pa 'ko sa kaniya at mas bagay kami ni Ariz." Mariin akong napapikit dahil sa narinig. Gusto ko man na magalit sa kaniya ay mas pinili kong tawagin siya gamit ang isang kalmadong boses kahit na nababalot ako ng matinding iritasyon.

"Celine, anong  sabi mo? Paki-ulit nga." I saw how her body froze. Parang tinubuan ng ugat ang kaniyang paa at hindi n'ya ko nagawang lingonin agad. When she did, I noticed something she hid on her back. Parang ito 'yong pinangigilan n'ya.

Sinipat ko 'yon. Her eyes widen and her face look pale. "S-señorita—what is it that you're hiding from me?" I asked. Mahina pa rin ang boses ngunit mababakas na ang iritasyon ko.

Celine hide it even more and shook her hid. "W-wala po ito, S-señorita. M-may kailangan kayo?" Sinubukan niyang ilihis ang atensyon ko papunta sa ibang topic na hindi naman umepekto. I shifted my eyes on the dirty kitchen's floor and saw a familiar yellow petals on it—petals 'yon ng mga sunflower.

Mas lalong tumindi ang galit ko. Humakbang ako palapit sa kaniya at pilit na kinuha ang sunflower na tinatago n'ya sa kaniyang likod.

"Señorita..." Kinakabahang tawag n'ya sa 'kin nang makuha ko 'yon. Tatlong piraso 'yon at ang dalawa ay halos wala ng natirang mga petals. I narrowed my eyes on her and gritted my teeth.

"Is this from him?" Mariin akong pumikit sa labis na pagpapasensya ng hindi kaagad siya magsalita para sumagot. Bumuntong hininga ako at pinakita sa kaniya ang halos nagkalasog-lasog ng sunflower.

Muli kung minulat ang aking mata. "Galing 'to kay Ariz hindi ba Celine? Pinabibigay n'ya sa 'kin." I declared as a matter of fact. She gulped and nodded her head slowly. The corner of my lip twitch. Nakakainis! Nakakainis na kanina akala mo kung sino siyang demonyitang bumubulong-bulong habang pinangigilan 'tong sunflower na galing kay Ariz ta's ngayon na nasa harap niya ako umaarte na naman siya na parang isang hindi makabasag pinggan na anghel.

"Bakit mo ginawa 'to? Bakit mo sinira eh hindi naman pala sa'yo!" Malakas ang boses na bulyaw ko. Nawala na rin ang mahinahong kislap sa kaniyang mata. Umayos siya ng tindig at nakita ko ang ginawa niyang pagkuyumos sa kaniyang kamao.

"Kasi hindi rin naman yan dapat sa'yo, Venus. Akala mo kung sino ka eh mangaagaw ka lang naman. Kung hindi ka dumating dito edi sana walang nagbago sa 'min ni Ariz. Sawang-sawa na 'ko na kapag magkasama kami ni Ariz ikaw lang ang bukang bibig n'ya. Hindi ka bagay sa kaniya. Ayoko na maging kayo kasing mang-aagaw ka at malandi kahit na ang bata-bata mo pa—" Sunod-sunod na nagsipatakan ang luha mula sa kaniya nang lumapat ang palad ko sa kaniyang pisnge.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon