Chapter 10

31.3K 694 23
                                    

Venus Thane's Pov

Mabilis na lumipas ang mga araw para sa paghahanda sa mismong fiesta ng Santiago at Flores De Mayo. Abala ang lahat ng taong nakapalibot sa 'kin, maging si Mama at Papa. Ako nga lang ata ang walang naiaambag sa preperasyon nila.

"Thane, pupunta ka ba sa plaza mamaya o dito ka na lang din katulad ni Tita Olivia?" Ranus asked.

Mabilis kong naitago ang sunflower na galing ulit kay Ariz sa 'king likuran dahil sa labis na gulat nang bigla siyang sumulpot sa 'king gilid.

I flashed an awkward smile and nod my head twice.

Nakita kong itinigil n'ya ang ginagawang paghagis ng peras na hawak n'ya sa ere saka ako sinipat.

"B-bakit? Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko sa kaniya. Hindi n'ya sinagot ang tanong ko at sa halip ay humakbang s'ya palapit sa 'kin. With just one swift move, he manage to get the sunflower from me.

"Kuya! Give that back to me." Anas ko. Sinubukan ko 'yong kunin sa kaniya n'ya ngunit mabilis niyang hinarang ang likod n'ya sa 'kin.

He took a step back and face me afterwards with a hint of mocking smile on his lips.

Ipinakita n'ya sa 'kin 'yong bulaklak.

"Sunflower again? Sunflower every morning, your favorite...kanino 'to galing?" Punong-puno ng suspetya ang boses n'ya. I bit my lower lip and meet the seriousness of his pools.

"Venus Thane." Seryoso ang malalim niyang boses na tawag sa 'kin. Napatuwid ako nang tayo. My heart is beating drastically like its sensing a danger fast approaching me.

"K-kay a-ano...ano kasi." I breathe deeply. "Wala lang naman 'yan Kuya." I murmured.

"Kay Ariz ba?" Bigla niyang sinabi. Bumalatay ang hindi maipaliwanag na gulat sa 'king mukha. Nanlaki ang aking mata at umawang ang aking labi. I want to deny it but I couldn't.

Hindi tumutulong ang utak ko sa 'kin.

"Thane, I'm asking you. Give me your damn answer this instant!" He snarled that caught me by surprise. Nangingilid na ang mga luhang unti-unti akong tumango sa kaniya.

He shut his eyes and looked up. Sinulyapan ko s'ya at nakita ko ang paggalaw ng adam's apple n'ya. He massaged his temple and bore his eyes on me once more upon opening it.

"I told him not to court you. Hindi n'ya alam ang ginagawa n'ya." Narinig kong bulong ni Ranus sa sarili.

"What are you gonna do?" Sinundan ko kaagad s'ya papunta sa balcony. Hindi n'ya pa rin ako pinansin na para bang hindi n'ya ko nakikita o naririnig sa kaniyang tabi.

"Kuya!" Buong prostestang tawag ko sa kaniya nang makitang  hinagis n'ya sa labas 'yong sunflower. Napahawak ako sa balustre at wala ng iba pang nagawa kung hindi sundan na lang ng tingin ang pagkahulog ng sunflower sa lupa.

"Bakit mo ginawa 'yon? I hate you!" I scoffed. I was about to walk out on him when he grab my arms harshly and make me stood still.

"You're gonna stay away from him, naiintindihan mo ba Thane?" His eyes were bloodshot out of his anger. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi saka mabilis na umiling bilang pagtanggi sa gusto niyang mangyari.

"Paano ko gagawin 'yon? Kuya paano ko lalayuan 'yong lalaking gustong-gusto ko—Gusto? Mag-iisang buwan pa lang kayong magkasama ni Ariz!" Putol n'ya sa sinasabi ko. He loosen his grip on my hand.

Mabilis na lumamlam ang mga mata n'ya nang makita ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.

"I d-don't know...I just like him."

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon