Chapter 30

27.4K 665 154
                                    

Venus Thane's Pov

"Namumutla ka?"  Eres asked with her famous elevated brows that made her look like one of those mean girls in a cliche teen fiction movies.

Mabilis kong ikiniskis ang dalawa kong palad at nang uminit na 'yon ay dinikit ko sa 'king pisnge para naman magkaroon ng kaonting buhay ang namumutla kong mukha.

I don't always look pale, baka dahil kinakabahan talaga ako sa mga oras na 'to kaya ako namumutla.

I sighed and turn at her.

"Ayos na?" She shook her head and delve in her satchel bag. Ilang saglit pa ay iniabot n'ya sa 'kin ang isang lip at cheek tint na galing sa cosmetic line n'ya.

Hindi na 'ko nagsalita pa at nag-apply na lamang ng sapat na dami ng product sa 'king labi at pisnge habang nakatingin sa rear view mirror ng kotse n'ya.

"I think Luna is looking for you," bigla nitong sinabi. I averted my eyes from the rearview and pasted it on the car's windshield where I can clearly see Luna trying to search for someone.

Bahagya siyang pumihit paharap sa 'kin pagkatapos niyang maglagay ng sunblock.

"Ang lapit ng batang 'yon sa 'yo ano? She could be your daughter though kung sakaling lumandi ka ng 17?" Itinigil ko ang pagtatali sa 'king sarili saka pinakatitigan si Luna na nalilibang na ngayon sa pakikipaglaro sa humahampas na alon sa maliit niyang paa na para bang nakikipagpatintero ito.

Mapakla akong napangiti.

Kung sakaling may nabuo dahil sa nangyari sa 'min ni Ariz m-malamang kaedad lang din ni Luna ang anak namin.

I was immediate to shunned the silly thought, impossible rin. Hindi naman ako nabuntis ih.

"Tara na?" Ani nito sa 'kin saka nauna nang lumabas ng kotse n'ya.

Biglaan at wala sa plano ko ang pumunta sa beach kung kaya't wala akong choice kung hindi humiram na lang ng bikini kay Eres kanina.

"Tita!" Maagap na sigaw ni Luna nang makitang papasok na dapat ako sa cottage kung nasaan sina Ate Itália at ang iba pang kasama namin.

As much as I want to stay away from Ariz, I just can't when his daughter keeps on calling me like this.

Hindi pa nga nakakabawi ang puso ko mula sa paghuhuramentado nito kanina dahil sa ginawang pagyakap sa 'kin ni Ariz na kagagawan din ni Luna ay nagwawala na naman ito.

Nasaan ba ang Mommy ng batang 'to, si Lierelle, nasaan?

"Tita, les go," ani nito habang pilit akong hinihila papunta sa dalampasigan kung nasaan si Ariz na nakatingin sa 'kin, galit na nakatingin sa 'kin.

Teka nga, ba't naman ito galit?

"Papa look!" Punong-puno ng excitement ang boses na hiyaw ni Luna habang nakaupo ito ng bahagya at tinuturo ang isang uri ng buhay na seashell at mabagal na gumagapang sa dalampasigan.

She'd tried to touch it but will withdraw immediately right even before she can do and giggles.

Natawa na lang rin ako habang pinapanuod siya. Suddenly the wind blows violently, sinalubong ko 'yon dahilan para magulo ng bahagya ang bangs ko.

I quickly put my bangs in place as I realized that Ariz was staring at a particular part of my forehead that usually covered by my hair.

Sandali pa 'kong napahaplos sa peklat sa 'king noo at tuluyang nang inayos ang bangs ko para matabunan 'yon.

I gulped and felt something heavy in my chest as his stern eyes stayed and  roamed around my body as if I have something in me that's obscene.

Kaagad akong napapikit at napakagat sa 'king labi matapos ang ilang segundo kong pagkakatunganga kay Ariz nang hubarin niya ang puting button down na suot.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon