Chapter 21

24.7K 537 21
                                    

Venus Thane's Pov

"Para kanino 'to, Manang?" Nakangiting tanong ko kay Manang. Tumigil siya sandali sa maingat niyang paglalagay ng icing sa nozzle. I lift up myself and seated myself on the stool near the island counter as I waited for her response. Mismong base pa lang 'yon at mukhang pinalalamig pa lang ni Manang ang base ng cake bago niya 'to lagyan ng icing at iba pang dekorasyon.

"Kay Icarus, birthday niya ngayon." Mabilis na napawi ang mumunting ngiti sa 'king labi. Nagulat sa 'king nalaman, bigla akong nataranta. She stride near the ref and pull it open. Ilang sandali pa'y nakita ko na ang bowl sa isa niya pang kamay na may lamang mapupula at sariwang strawberries.

"May party po siya?" I asked once more. Sino-sino kaya ang mga puunta? I should text Icarus and ask him why he did not tell me this. Magkasama kami ng ilang oras kagabi at talagang hindi niya 'to nabanggit sa 'kin, impossible naman atang nakalimutan niya ang tungkol dito.

Manang chuckle gleefuly. Nangunot ang noo ko.

"Parang ganoon na rin, mas maliit nga lang kumpara sa party na nakasanayan mo." Sabi niya. Muling napawi ang ngiti sa 'king labi, para akong naoffend na ewan dahil sa pagbibigay niya ng diin sa pagkakaiba ng mga bagay-bagay sa buhay namin ni Ariz.

Ipinatong niya ang bowl ng strawberries sa ibabaw ng counter saka hinala palapit sa kaniya ang base ng cake para lagyan 'yon ng icing.

Sumulyap sa 'kin si Manang. "Wala ka bang gagawin ngayon?" I shook my head and stretch the corner of my lips. Ngumiti s'ya sa 'kin at binuhos na ang buong atensyon niya sa cake at sa paglalagay n'ya ng icing. Nabalot na kaming dalawa ng katahimikan. Mukhang madali lang naman ang ginagawang 'yon ni Manang at parang kaya ko ring gawin.

"Let me help you, Manang." Presinta ka. She stopped spreading the icing and stare back at me. Her lips are still pressed into thin line. "Sigurado ka?" Mabilis ang naging pagtango ko sa kaniya bilang pagkumpirma sa gusto kong mangyari na mukhang pahihintulutan niya rin naman.

With so much care and gentleness she pushed near me the cake's base. "Sige, ikaw na ang gumawa nito para maumpisahan ko na ang pagluluto sa paboritong ulam ni Icarus at Robet na kare-kare." Sabi niya.

Using a spatula I spread the icing on it thoroughly and evenly. Ilang segundo pang nagtagal si Manang sa harap ko para panuorin ako sa ginagawa ko sa cake. Nang masigurado niya na magagawa ko 'yon ng walang kahirap-hirap ay saka pa lamang siya nagtungo sa may lababo para ayusin ang mga ingredients na kailangan niya para sa kare-kare.

Patapos na at kailangan ko na lang ipolish ang mismomg cake, madali na lang din na ilagay ang mga fresh na strawberries na toppings nito sa cake ng dumating si Celine. Mabilis na nagtagis ang bagang niya ng masilayan ako.

My brows furrowed. Ayaw magpatalo sa kaniya, sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Celine!" May buong pananabik na tawag sa kaniya ni Manang. Tinuyo nito ang kaniyang kamay bago niya nilapitan si Celine na sinalubong siya at nakangiti na sa kaniya.

"Ito na po 'yong peanut butter ta's giniling na bigas na pinabibigay ni Mama para sa kare-kareng iluluto n'yo, p'wede ko po kayong tulungang magluto." Mabilis na presinta niya. Manang and my eyes locked, she's looking at me like she's asking for permission. Nagkibit balikat ako. Tapos na rin naman ako sa pagdedecorate ng cake eh.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid ng island counter saka tumango kay Manang at ngumiti.

"Ayos lang naman po, sa taas muna ako." I muttered and walk out on them. Gusto ko rin naman na kahit papaano magkabati kami ni Celine o kung hindi man ay kahit maging civil na lang kami sa isa't isa pero parang malabo pa ata na mangyari 'yon sa ngayon.

Forbidden To TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon