Part 5

91 2 0
                                    

"Tweety, bumaba ka na dyan. nagpapaganda ka pa porket may bisita lang." - Tita Melai (habang tumatawa)

"nako yang anak kong yan, maganda yan. mana mana lang yan! haha" - Tita Melai

"ah ganun po ba? hehe" - Ako

Tapos ayon, nagpapatawa si Tita Melai. Grabe ang lakas nyang magmura. Haha! Parang tambayers lang sa kanto. XD Maya maya pa ay bumaba na nga yung anak ni Tita Melai, si Tweety. Dumiretso sya dun sa kusina, mukhang nahihiya yata sakin e.

"oh tweety, si Jheng oh! ayiie." - Tita Melai

"hala?" - Ako (habang nakangiti)

Eeeeehh. Ang awkward kaya no? Baliw yun si Tita Melai. Ilink daw ba ako sa anak nya? Haha. Maya maya ay nag-aya na si Tita na kumain. Nagsilapitan na silang lahat dun sa dinning table ako na lang natira sa sala. Nahihiya kasi akong kumain e.

"uy Jheng kain na. ayaw mo ba ng ulam namin? grabe naman." - Tita Melai

"busog pa po ako." - Ako

Tapos sinenyasan ako ng bestfriend ko na kumain sabi ko ayaw ko. Ayon, nagalit sakin tapos nag-away sila ni Xeena. Kesyo magagalit daw si Tita Melai pag ganun kasi daw feeling nila ayaw ko ng pagkain nila. Eh sa nahihiya lang naman talaga ako e.

Pagkatapos nilang kumain e nagpahinga lang ng onti. Tapos nagtanong na si Tita Melai kung anong iinumin. Opo, magsashot po kami dito! Hihi. ^__^V Sabi nila Xeena Red Horse na lang daw e hindi ako nainom nun no! Ew kaya yung lasa nun nasusuka ako. Sanay kasi ako sa Empi Lights e. Hard kung hard e no? Kasi po PAG MAY EMPERADOR LIGHTS MAY SELEBRASYON, ARAW ARAW MAY BAGONG RASON! XD Habang nagtatanong si Tita Melai kung anong iinumin e naliligo naman si Tweety. Aalis daw sya kasi magpapadevelop sya ng picture para sa project nya daw.

"empi lights na lang po" - Ako (suggestion ko lang)

"wag na te, panget lasa nun e. red horse na lang?" - Xeena

"hindi ako nainom nun te e." - Ako

"empi lights talaga Jheng? siguro hardcore ka no?" - Tita Melai

"hahahahaha hala di po no?" - Ako

Grabe si Tita Melai e no? Haha hardcore daw ako e no? Wala pa kong experience sa kung ano man no. Over my dead sexy body! XD (baka sexy?)

Update lang ng update baka walang pasok? Hanggang monday walang pasok kasi National Heroes Day e. :D Pavote guys. :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon