Part 6

85 2 0
                                    

Nandito na kami sa labas ng bahay nila Tita Melai para bumili ng alak. Nakapang-alis na din si Tweety sasabay yata samin. Kaso ayaw sya payagan ni Tita Melai na pumunta ng Robinson ng mag-isa.

"mommy di pinayagan yung bestfriend ko e. ako na lang mag-isa saglit lang naman ako e." - Tweety

"nako Tweety wag mo kong kulitin ah. hindi ka aalis ng wala kang kasama." - Tita Melai

Biglang nabaling ang tingin ni Tita Melai sa akin. At biglang may kumurbang ngiti sa kanyang mga labi.

"Jheng, samahan mo naman si Tweety sa Robinson oh? wala kasing kasama e." - Tita Melai (habang nakangiti)

"hala? ayoko po. hindi ko po alam yun e." - Ako

"sige na saglit lang naman kayo e." - Tita Melai

Biglang lumingon sa akin yung bestfriend ko at sinenyasan ako na pumayag na. Sabi ko ayoko nga di ko naman kilala yan e mamaya iligaw pa ko nyan. Tapos ayon nagalit sakin. -____- Kesyo puro tanggi na lang daw ako. Eh sa wala pa kong tiwala sa tao e, malay mo iligaw ako nun diba? Hindi pa man din ako taga rito. :/

"ay si Rox na lang po ang sasama." - Ako

"ah Rox pwede mo bang samahan si Tweety sa Robinson?" - Tita Melai

"saan ba yun?" - Rox

"dyan lang naman e. isang sakay lang." - Tweety

"ah sige tara samahan na kita." - Rox

"salamat Rox" - Tita Melai

Habang naglalakad kami nila Xeena, Marj, Rox, Vince (yung kapatid ni Tweety na bata), Ako at si Tweety e biglang nagsalita si Tweety.

"ay ate, ako na lang po mag-isa ang pupunta sa Robinson." - Tweety

"bakit naman?" - Xeena

"eh nakakahiya kay ate e." - Tweety

"uy Jheng samahan mo na lang kasi si Tweety saglit lang naman yun e." - Xeena

"hala? bakit ba ako? ikaw na lang te tutal pinsan mo naman yan e." - Ako

"hala para namang tanga to oh! samahan mo na kasi si Tweety saglit lang naman yun e." - Marj

"ikaw na lang kaya?" - Ako

"tsk. sige tweety ako na lang sasama sayo!" - Marj

Habang naglalakad kami paliko na sana kami sa kabilang street nung bigla akong tinawag ni Marj.

"uy be samahan mo na kami. 3 tayo!" - Marj

"okay lang ba Tweety?" - Marj

"okay lang" - Tweety (nakangiti)

"oh ano be? sama ka na?" - Marj

"wag nyo na isama si Jheng. sayang lang sa pamasahe e kayo na lang dalawa" - Xeena

"hindi okay lang ate Badj. 400 naman binigay ni mommy e." - Tweety

"bahala kayo." - Xeena

"oh ano be? tara na?" - Marj

"sige" - Ako

Habang papalabas na kami ng subdivision nila e niloloko loko ko si Tweety. Hindi nya kasi kami pinapansin e tapos mas nauuna pa syang maglakad. Nung nakasakay na kaming tatlo papuntang Robinson e tahimik lang kaming nakaupo dun.

Guys, ayos lang po ba? Hihi. Sensya na kung may mga missing letters sa ibang chapter ah? Medyo masakit na kasi mata ko kanina pa ko nakatutok dito e. Hihi! Pasensya na din kung may typo man. Pavote please! :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon