Part 66

45 3 0
                                    

Simula nung napag-usapan namin yun e itinatak ko na sa sarili ko na mag-aantay ako ng 3 taon para sa taong mahal ko. Worth it naman yun kapag naging legal na kami diba? :) Oo nga pala, simula nung pag-uusap namin na yun e minsan na lang ulit kami mag-usap. Parang once a month na lang yata kung mag-usap kami dahil nga sa hindi pa binabalik yung gadgets nya. Paano hindi naman sya nagtino e! -____-

Oo nga pala, 2 taon na din ang nakalipas simula nung mangyari ang lahat ng ito sa buhay ko. :) 2nd year na ngayon si Tweety at ako naman e graduate na ng K to 12 program sa isang sikat na University sa Makati. :) At ako ngayon e pumasok sa isang bokasyonal na training sa tesda. Minamaster ko kasi ang pagluluto since yun talaga ang dream ko. Working student din pala ako. Isa akong Service Crew sa isang branch ng Jollibee. Ako na kasi ang nagpapaaral sa sarili ko since wala na kong parte sa pensyon ng yumao kong papa. At oo, dito pa din ako nakatira sa bestfriend kong sexy. Sila pa din ni Xeena, ang tagal na nga nila e 4years na kami naman ni Tweety? Ganun pa din. Hindi na nawala yung spark sa amin every time na mag-uusap kami kahit weekend lang. Nagmature na nga sya e at mas lalo syang gumanda. Ang tangkad na nga nya ngayon e at ang chix nya na. Loyal pa din naman ako sa kanya ngayon kahit minsan may nakakalandian ako dito e iba pa din sya. Isa pa sinasabi ko naman sa kanya yun e. Haha madalas nga akong mamura nun e. Nakakapunta na rin pala ako sa kanila kaya lang di na ko dun pwedeng matulog kasi nga baka daw kung anong mangyari. Haha! Magalang naman ako at may respeto kay Tweety. Isa pa ayoko din naman ng ganun no! 2 years na kami :) Nakakataba ng puso kasi hindi ko inexpect na magtatagal kami since complicated nga yung sitwasyon namin.

Hindi ko akalain na makakasurvive ako sa 2 years na in complicated relationship with Tweety. Mahirap pero kinaya ko kasi mahal ko sya e at mahal nya din naman ako. Mahirap pero masaya. Sa akin lang yata yung ganitong relasyon e, sa AMIN lang! Masarap talaga ang bawal no? Pero enjoy din minsan kasi challenging sya e. May thrill kapag nahuli nanaman kami. Haha! :D Pinagpapatuloy ko pa din ang pag-aantay ko hanggang ngayon kasi minomotivate nya naman ako e. Isa pa, sa kanya ko lang naramdaman yung ganito. Yung sobrang mahal na mahal na? At ganun din naman sya sakin. Mas pinaparamdam nya sakin na napakahalaga ko sa kanya. Kahit minsan hindi pa yan sumuko sakin, samantalang ako ilang beses na. :( Nakakahiya nga e, ako pa yung sumuko samantalang sya nananatiling matatag para samin. <\3

May tumatawag sakin. Si Xeena, nandun kasi sya ngayon kila Tweety e. Bakasyon nanaman sya ng 1 week dun at alam kong si Tweety tong tumatawag sakin.

"hello!" - Ako (masaya)

"hi baby!" - Tweety

"oh musta na? miss na miss na kita!" - Ako

"okay lang po. miss na miss na rin kita!" - Tweety (sad voice)

"aw. don't be sad na baby! I'm here naman na e." - Ako

"eh kasi dapat pumunta ka din dito e :(" - Tweety

"busy kasi ako baby e. alam mo naman yun diba?" - Ako

"oo nga pero kasi namimiss na kita. gusto na kitang makita. miss ko na yung boyfriend kong mataba" - Tweety

"hayaan mo baby! 1month na lang naman e gagraduate na din ako sa tesda at magkakatrabaho na rin ako ng stable. hindi na masyadong hussle yun diba? :)" - Ako

"hmp. :( okay! pero mag-iingat ka dyan palagi ah? wag kang lalandi dyan taba ah? lagot ka talaga sakin" - Tweety

"haha oo naman baby no. hinding hindi naman kita ipagpapalit kahit kanino. sayang naman yung 2 taong pag-aantay ko malegal lang tayo diba? 1 year na lang aantayin natin so bakit pa ako susuko? isa pa, ikaw lang naman yung mahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko hangga't nabubuhay ako!" - Ako

"ano ba yan baby e! pinapakilig mo nanaman ako e. hihi!" - Tweety

"haha landi mo baby sampalin kita ng padakot dyan. haha" - Ako

"haha gaga ka talaga. sayo lang naman ako malandi e." - Tweety

"nako siguraduhin mo lang. malilintikan ka talaga sakin pag may nalaman akong kagaguhan mo" - Ako

"haha grabe ka naman baby. hindi naman ako lumalandi dito no. mahal na mahal na mahal na mahal kaya kita" - Tweety

"asows. oo na I trust you naman e pinapaalalahanan lang naman kita." - Ako

"hihi alam ko naman yun baby e. don't worry ikaw lang naman talaga. I love you so much!" - Tweety

"I love you more! :) nakakatuwa nga baby e 2 years na pala tayo" - Ako

"oo nga baby, kahit na ang hirap ng sitwasyon natin no? nakayanan pa din natin. sabi ko naman kasi sayo e, tiwala lang sa isa't isa" - Tweety

"oo nga e, antagal ko na ring nag-aantay naiinip na ko" - Ako (pabiro kong sabi)

"grabe naman baby, 1 year na lang at mapapakilala na rin kita kila Mommy. :)" - Tweety

"opo na haha. I love you! kain ka muna kaya ang payat payat mo e" - Ako

"I love you so much. sige po sabay tayo ah?" - Tweety

"sige sige. mwa :*" - Ako

"mwa :*" - Tweety

At tuluyan na ngang naputol yung call. Sakto at nakapagpaalam na kami sa isa't isa. :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon