Part 28

64 2 2
                                    

Tinanong ko nga si Marj about dun kay May may.

"be pinsan ba nila Tita Liz yun si May may?" - Ako

"hindi ah. kaibigan lang yun ni Tita Liz. kapitbahay nya kasi yun tapos syempre parehong tibo kaya nagka-vibes silang dalawa" - Marj

Ah kapitbahay LANG naman pala! Tss. Akala ko naman pinsan!

So ayon na ang start ng pag-iinvestigate ko. At sinabihan ko si Marj na i-chat nya yung si May may tapos tanung-tanungin nya kasi sinabi ko na sa kanya na may kutob na ako.

Lumipas ang mga araw na wala pa ding pagbabago. Lesson. Aral. Lesson. Aral.

Isang araw tinawag ako ni Marj kasi nasa kwarto nya ako e.

"be halika dito dali" - Marj

Ako naman e dali daling lumabas malay mo may balita na tungkol dun sa pinapatanong ko diba? :)

"be tingnan mo. kadiri naman yang si Tweety pinatulan si May may" - Marj (halatang halata ang pandidiri nya)

HAAAAAAAA? O__________O You mean, yung panghihinala ko e TOTOO? FUCK THIS BULLSHIT! :/ Ano to? Niloko ako, ng isang BATA? Tsk. Wow. What a nice game. I trust her. Pero ginagago nya lang pala ako? ://///

Binasa ko yung convo nila.

Marj: Ano nga kasi, si Tweety jowa mo no?

Jm: Hala? Pang 22 mo nang tanong yan ah? Hindi nga.

Marj: Ayaw mo pa kasi umamin e. Hindi ko naman sasabihin kahit kanino e.

Jm: Seryoso ka? Di mo pagsasabi ah?

Marj: Oo naman. Ako pa ba?

Jm: Sige. Oo na, si Tweety nga yung jowa ko.

Marj: Sabi na e. Kelan pa?

Jm: Matagal na. 1 year na nga kami ngayong July e. Pero di ko alam kung kami pa kasi di nya naman na ako pinapansin e. Secret nga lang namin to e.

Marj: Ha? Ang tagal nyo na pala? Hindi ka ba natakot na baka malaman yan ni Tita Liz? Hindi mo ba yun naisip?

Jm: Naisip ko na yan kaya nga ingat na ingat ako e. Kasi ayokong malaman nila.

Marj: Hala ka? Bakit mo kasi pinatos si Tweety e alam mo namang ang bata bata pa nun? Paano mo sya niligawan?

Jm: Wala namang nangyaring ligawan e. Humantong na lang sa puntong MU tapos naging kami na.

Jm: Uy, wag mo sasabihin kahit kanino ah? Sikret lang natin yun.

Marj: Oo naman. Pero tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag.

Yun na yung convo nila. At anong tingin nyong reaksyon ko? PUTA GUSTO KONG MAGWALA! :/ Gigil na gigil ako habang binabasa ko Convo nila. Shet lang talaga. :/

Hindi ko muna pinaalam kay Tweety yung nalaman ko. Ginawa ko, nakipag exchange ako ng email and password sa fb.

Nung binigay nya na. Agad agad ko namang binuksan at tiningnan agad ang Chat box nya. Ang galing, tinago nya pa talaga. Akala mo naman shunga ako.

Binasa ko yung convo nila ni Eysh Kanorians. Crush kasi to dati ni Tweety e at opo tomboy yan si Eysh.

Ang landi ng mga message ni Tweety kay Eysh. Grabe naman pala tong batang to.

Kinalkal ko pa yung ibang messages at WAPAK! Nakita ko na din ang kanilang conversation ni May may.

Tweety: I miss you po.

Jm: Miss you too.

Puta! I miss you too pa. Pero yung date nakalagay April 3, 2014.

Tweety: I love you po.

Jm: Love you too.

Ayon naman pala, kaya naman pala pinapablock nya sa akin si May may kasi baka malaman kong tinotwo time nya kami. Hmp! Sorry, mas matalino ako sayo. :)

Guys, subaybayan ang mga malalagim na pangyayari sa aking true to life story. Nakakagigil Ugh! Vote and comment. :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon