Part 16

71 2 2
                                    

Natapos na nga ang aking birthday ng masaya :) Nakakatuwa talaga na nag-aksaya pa ng panahon si Marj para lang handaan ako. Napakaswerte ko dahil may bestfriend ako katulad ni Marj. Handa ako tulungan kahit saan at palagay ko naman e hindi nya ko pababayaan. I love you be! :*

Sinabihan nanaman pala ako ni Marj na pupunta kami sa Kanor City at as usual, susunduin namin ang prinsesa nyang si Xeena Jean. :D At mamayang gabi na nga kami pupunta dun. Tatakas nanaman kami sa Kuya Louie nyang Macho! XD

"uy be basta mamaya ah?" - Marj

"oo" - Ako (habang nagphophone)

This time, gabi naman kami pupunta dun. Kaming dalawa lang kasi ayaw ni Rox, wala naman daw syang napapala dun at isa pa baka madamay sya pag nahuli kami ng kuya ni Marj. So ayon, chinat ko si Tweety na pupunta nga kami dun. Sinabihan kasi ako dati ni Tweety na pag pumunta ulit kami dun tabi daw kami matulog. Dun daw kami sa kwarto nya. Haha! Bastos na bata mamanyakin pa yata ako. Haha joke lang XD

Ako: Tweety? Pupunta kami dyan later ni Marj. Susunduin namin si Xeena.

Naseen nya agad at nagtatype na sya.

Tweety: typing...

Tweety: Talaga po? Yehey! Makikita ulit kita <3

Hahahaha lokong batang ito, kinilig pa e. XD

Ako: Haha! Pero di kami matutulog dyan kasi bawal e. Uuwi kami kahit gabing gabi na.

Tweety: Hala? Dito na lang po kayo matulog. Uwi na lang po kayo bukas ng umaga tulad dati? Gusto po kasi kitang makatabi matulog e.

Ako: Eeeehh? Bawal kasi e. Saka ayaw din ni Marj. Nandyan na din kasi si daddy mo. Nakakahiya naman e.

Tweety: Hala! Okay lang po kay daddy na dito kayo matulog. Mabait naman po yun si daddy ko e.

Ako: Ah basta bahala na. Sige ligo na ako.

Tweety: Sige po. Naeexcite na tuloy akong makita ka. <3

Nag-aasikaso na kami ni Marj para makaalis na kami.

Ayan tapos na akong maligo. Nagtootbrush na din ako at magbibihis na ako.

After 1 hour. Tapos na kaming dalawa so ito na nga, dahan dahan na kaming lalabas sa gate nila dahil nasa kabila lang yung kuya ni Marj e.

And tadaaaahh! :D Nakatakas nanaman kaming dalawa. Hahaha! Mga takas lourdes kami e XD

Nandito na kami sa Jeep. Puta! Ang asim ni manong kundoktor. Walangjo na yan tinalo pa ang sukang paumbong sa asim e. Isang taon yatang noli to e. (noli means No Ligo).

Lumipas ang mga minuto ni Kamatayan sa Jeep na maasim at nakababa din kami sa wakas. Taeng yun, challenge din yun ah? Ang baho kaya. XD

Habang nag-aantay kami ng bus, may lalaking mukhang snatcher.

"be dun tayo banda sa unahan" - Ako

Sumunod naman si taba sa akin. Takot ko lang no? Dala ko kaya My Phone Aqua Rain 2G ko na tig 1,899 XD Bigay sakin to ng kuya ko e kaya iniingatan ko. :D Mabait kasi ako. Uy wag ka, pinaghirapan ko pa tong makuha no. Nag top 7, top 2, top 4, top 4 pa ako nung 4th yr ko para lang bilhan nya ko nito. (yabang XD)

Ayan, may bus ng naglalaman ng sardinas ay este mga tao pala. Putek no choice kami, pahirapan talaga yung bus papuntang Kanor City lagi na lang punuan. So ito kami standing ovation nanaman at mga katabi namin e mga boys na amoy immortal HAHA! Opo, amoy pinaglipasan ng panahon. Kinginers, 2 hours kong titiisin ang bingit ng kamatayan. XD Tae heavy traffic pa kaya mukhang 3 hours byahe namin. :/ Shet! Nasusuffocate na ko sa amoy pesteng yawa na yan.

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon