Part 54

36 2 0
                                    

Tumawid na kami sa overpass dito sa Kupakupal at sasakay na kami ng bus papuntang Baclaran. Binigyan kasi kami ni Mamasang ng pera kaya bibili kami ng damit! :)

Nung nasa bus kami dun kami pumwesto sa pinakadulo para tabi tabi kaming apat. :)

Ang tagal ng byahe, sobrang tagal kasi naman sobrang heavy traffic din isa pa umikot kasi sa Moa tong bus na sinasakyan namin kaya mas lalong napatagal.

Dumating kami dun mga 2 na ng hapon pero 11:10 kami nakasakay sa bus na to. Hussle! :/

Nung nandun na kami, sabi ko sa kanila diretso kami sa Simbahan ng Baclaran. Sabi kasi nila kapag nagsindi ka daw ng kandila sa Simbahan ng Baclaran magkakatotoo. Kaya dumaan kami dun para magsindi ng kandila kahit hindi ako katoliko, Iglesia Ni Cristo po ako e. :) Hi mga Kapatid! :*

Nagsindi na ako ng 3 kandila. Yung isa para sa Midterm namin bukas. Opo, midterm namin bukas pero hindi pa ko nakakareview at malamang sa alamang hindi na ko makakareview kasi gahol na sa oras. Linggo nga pala ngayon kaya ang daming tao dito sa Simbahan. Yung pangalawang kandila naman e para sa aming apat, na sana makauwi kami ng maayos at walang masamang mangyayari and yung last na candle e para kay Baby! :) Na sana magkaroon ulit kami ng communication. Sana maalala nya pa rin ako kahit papano. Na sana bigyan ako ni God ng mga signs kung pagpapatuloy ko pa din ba tong pag-aantay ko sa kanya. :) <3

Pagkatapos namin dun sa simbahan dun na kami sa bilihan ng mga kung ano ano. Medyo napatagal pa nga kami dun e kasi ang hirap mamili! :) Ang daming magagandang damit. Kahit na amoy mandirigma na dun putek Go lang nang go. Haha!

Mga ilang oras din kaming nandun tapos nung nakabili na kami naglakad na kami papunta dun sa sakayan ng bus.

Habang naglalakad kami palabas ng Baclaran, may mga manghuhula dun sa mga gilid gilid. Nakakatakot sila shet! Haha. Tapos may mga nagtitinda dun ng mga pampalaglag, gayuma, basta mga ganun tae nakakatakot talaga.

Nung nakasakay na kami sa Bus e tahimik lang kaming bumyahe, siguro dahil sa pagod. Nung nakauwi na kami sinalubong kami ng mama ni Marj. Mga 7 na kami ng gabi nakauwi nun e. Pero enjoy pa din kahit pagod. Thanks God we're safe.

Vote. vote. vote.

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon