Part 17

67 2 0
                                    

Mga 12 midnight na nun nang nagsabi kami kay Tita Melai na uuwi na kami maya maya.

"wag na kayong umuwi. bukas na! dito na lang kayo matulog" - Tita Melai

Sabi na sa inyo e. Hindi nanaman kami papauwiin nito. Emegesh! Nangangatog na ko baka kasi mahalata ni Kuya Louie na wala kami sa bahay e. :(

So ayon na nga, napagdesisyunan na nila Marj na dun na nga magpalipas ng gabi tutal umuulan din naman sa labas e.

Sayaw nang sayaw si Tita Melai. Medyo may amats na ako nito e. Kahit naman sila mga shenglot na. Ito namang si Marj e niloloko ako dito sa babaeng di naman kagandahan. -____-

"te gapangin mo na lang si Jheng mamaya" - Marj (kausap yung Beng)

"saan ba sya matutulog?" - Beng (seryoso sya)

KINGINA MO PO! Haha. Awatin nyo ko, awatin nyo ko. Masasampiga ko tong taong to. XD Bullshit, ang tibay ng halang na bituka ng babaeng to ah? Hahahaha.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" - Marj

Tawa sya nang tawa nung tinanong sya ni Beng kung saan ako matutulog.

"puntahan mo mamaya sa kwarto ni Tweety te" - Marj

"sige" - Beng

Ina nyong dalawa! :( Bata pa po ako. Boset tong bestfriend ko e, ireto daw ako sa 29 years old na yata to e. Like WTFUCK? Di na lang uy. Mas gugustuhin ko pa si Tweety kahit ma-bantay bata 163 ako. XD

Maya maya e umakyat na sila Xeena and Tweety. Aayusin na yata yung hihigaan namin. So ako nasa baba pa din kasi baka kung anong isipin nila e.

Tawa lang ako nang tawa habang sumasayaw sila Tita Melai, Tita Liz at May may.

Tapos tinawag na ako ni Marj para umakyat na daw. Dahan dahan pa ako e, para makatakas kila Tita Melai. XD So ayon, nakaakyat na nga ako dun sa taas. And the HECK? Seriously? Dito kami sa kwarto ni Tweety matutulog? NO! Ayoko. -___-

After 20 minutes e nagsiakyatan na din sila Tita Melai dito sa taas. Sila Beng, May at Tita Liz naman e dumiretso na sa kwarto ni Vince. Dun kasi sila matutulog e. Bale si Tita Melai e dito sa kwarto ni Tweety dumiretso at pakiramdam ko e binabantayan yung anak nya.

"uy, dito si Jheng sa single foam ah? kayo dyan tatlo sa kama ni Tweety" - Tita Melai

Sabi na e. Haha! Ramdam ko na. Pero okay lang at least di ko sya katabi, haha! :D

Tapos nagkwento kwento si Tita Melai about sa mga multo na nagpaparamdam daw dun sa bahay nila. Ayon, hanggang sa nagkatakutan na sila. Maya maya e pumunta na si Tita Melai sa kwarto nila ng partner nya. Pero bago sya pumunta dun may sinabi sya.

"uy, wag nyong ilalock tong pinto." - Tita Melai

Haha! Nako Tita Melai talaga. Akala mo naman talaga e no?

Tapos nung wala na si Tita Melai e pumwesto na nga ako dun sa single foam na sinabi ni Tita Melai na pagtutulugan ko. Biglang tumabi sa akin si Marj. Umupo ako kasi ang laki naming dalawa no. Hindi kami kasya. XD

After a minutes e bigla akong kinulit ni Marj na lumipat daw dun sa tabi ni Tweety.

"ayoko. dito daw ako sabi ni Tita Melai" - Ako (masunuring bata)

"sige na be dun ka na. dito na lang ako" - Marj

"ayoko nga. mamaya magalit sa akin si Tita Melai e. dito nya ako pinapatulog." - Ako (nagmamatigas)

Biglang tumayo si Marj pati si Xeena? :O Omgosh! Pinagtulungan nila akong hilahin pahiga dun sa tabi ni Tweety.

BIBITININ KO KAYO! :P HAHAHAHAHAHA. Wag kayong green minded dyan. Haha! Napaghahalataan kayong L e. XD Pavote and Comment po. :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon