Part 58

38 2 0
                                    

Kinabukasan

Nagising ako alas-dos na ng hapon. Paano kasi nagpuyat ako kakanuod ng kung ano ano. Haha! :D Saka nagising ako kasi ginising ako ni Marj e.

"uy be gising na alas-tres na magbabayad pa tayo ng tubig" - Marj

Bumangon naman ako agad kasi magbabayad pala kami ngayon sa tubig. Pumunta kami sa Utung-utungan kasi dun kami magbabayad e. Nung nakabayad na kami, nakaramdam si Marj ng gutom kaya pumasok kami sa Chowking at kumain. Pumunta din kami ng Unimec para bumili ng Swiss Miss. Tapos umuwi na kami at iniabot lang kila Maricar yung Pizza at pumunta na kami ng Market. Kasi dun magkikita sila taba.

Nung nasa Market na kami, naghanap kami ng jelly case ng tab ni Xeena kaya lang wala e. Kaya bumaba na kami at naglibot libot lang. Maya maya nagyaya naman si Marj na pumunta sa Sm Aura kasi may kakakitain daw sya dun. Yung bibilhan nya ng Original na Cd ng Titanic. Adik e no?

From: 09826252738

Ako po yung nakajacket at nakacup.

Sabi nung lalaking nagbebenta ng cd. Nakita kasi ni Marj sa OLX yun kaya nakipagmeet-up sya ngayon.

"ah. kayo po ba yung bibili ng cd?" - Jon (yung nagbebenta ng cd)

"opo" - Ako

Ayon, usap usap ng konti. Tapos picture hawak yung cd kasi gagawin nya daw na profile pic nya sa account nya sa OLX.

Pagkatapos nun e umuwi na kami. Past 7 na rin kasi ng gabi e. Pagkauwi namin ayon, sobrang pagod kami. Kaasar!

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon