Part 61

37 3 0
                                    

Thursday pala ngayon. May plano kasi kami nila Eysh na magsashot kami ngayong araw sa bahay nila Marj.

Nandito kami ngayon sa school. Wala namang masyadong ganap lalo na nung elective na namin kasi may Pista sa Nayon ngayon dito sa school. So wala kaming ginawa. Inaantay na kami nila Eysh at Kris dun sa hagdan. Sabay sabay na daw kasi kaming pupunta kila Marj.

Lumabas ako at pinuntahan ko sila dun kasi baka naboboring na sila e.

"matagal pa ba?" - Eysh

"hindi yan malapit na. gusto mo na bang pumunta na tayo dun?" - Ako

"oo umuulan na oh!" - Eysh

"sige wait lang tatakas na kami" - Ako

Bumalik ako sa room at tinawag ko na si Marj. Nagpaalam ako sa president namin kung pwede na bang umuwi. Bawal pa daw e kaya sorry sya tatakas kami. Haha!

Nung nakalabas na kami ni Marj e inaya na namin sila Eysh na umuwi.

"daan muna tayo sa bahay kasi naiwan ko dun yung juice saka dadalhin ko pa ba yung gitara?" - Eysh

"oo dalhin mo para masaya." - Ako

"sige. hindi na ko sasabay sa inyo kasi susunduin ko pa si Xeena" - Marj

"sige. kila Eysh na ko sasabay" - Ako

At lumiko na nga si Marj sa kaliwa at kami namang tatlo sa kanan. Uuwi muna kami kila Eysh tapos diretso na kila Marj.

Habang naglalakad kami silang dalawa magkasabay tapos nauuna sila sa akin. Share sila sa isang payong habang ako loner dun sa likod at may nakasapak na earphone sa tenga ko. Naiinggit ako sa kanila. Sana nandito din si Tweety! :( Edi sana may kashare din ako sa payong ko. May inaakbayan sana ako. :( Kinantyawan nga ako ni Eysh kanina e. Sabi nya Jheng isipin mo na lang kasama mo si Tweety. Loko talaga yun inasar pa ko! :( Yung nagpeplay naman na kanta sa phone ko e mas lalo akong pinapalungkot! :(

Now Playing: Ikaw at Ako by Tj Monterde

Hawakan mo ang kamay ko

Nang napakahigpit

Pakinggan mo ang tinig ko

Oh di mo ba pansin?

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Tayo'y pinagtagpo

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Di na muling magkakalayo

Sa twing kasama kita

Wala ng kulang pa

Mahal na mahal kang talaga

Tayo ay iisa ah.

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Tayo'y pinagtagpo

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Di na muling magkakalayo

Unos sa buhay natin

Di ko papansinin

Takda ng tadhana

Ikaw ang aking bituin

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Tayo'y pinagtagpo

Na ikaw at ako oh oh oh oh

Di na muling magkakalayo

Natapos ang kanta ng nakatungo lang ako. Nakatingin sa madumi kong sapatos na basang basa na. Nakakainggit naman sila! :( Sana baby, nandito ka. <\3

Nakarating na nga kami kila Eysh at dun na lang kami nag-antay sa baba kasi baka daw pagalitan sya ng mama nya. Ilang minuto lang e bumaba na si Eysh dala yung gitara nya at dumiretso na kami sa sakayan ng Jeep.

I dedicate this part sa mag-baby na sila Eysh at Kris. Hi guys! :) Vote nyo to. :D

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon