Part 21

67 2 0
                                    

Nandito pa din kami sa Jeep. Malayo layo rin kasi yung byahe papuntang Wakawaka City. Tahimik lang kami dahil nga Warla silang dalawa. Grabe kaya mag-away tong dalawang to. Murahan kung murahan, sapakan kung sapakan. 2 years and 6 months na kasi sila pero grabe yung away nila. Kahit maliit na bagay pinapalaki.

"oh Wakawaka City na, sinong mga bababa?" - Manong Driver

"ah wait lang po." - Ako

Bumaba na nga kami at yung iba pang mga pasahero. Sasakay ulit kami ng Jeep papuntang Farmville City. Madadaanan naman ng Jeep yung kila Xeena kaya sabay pa din kaming tatlo. Pero tahimik pa din sila. :/

"oh marj. 300 lang pera ko e. bibigay ko pa kay kuya yung 500" - Xeena

Hindi umiimik si Marj at parang walang narinig ang tukmol. Sa malayo sya nakatingin at di pinapansin si Xeena.

"uy, parang tanga naman to oh" - Xeena (may kasamang hampas)

Hindi pa din pinapansin ni Taba yung jowa nya.

"uy te, ikaw na nga humawak nito" - Xeena (kausap ako)

"para saan ba to?" - Ako

"baon ni Marj" - Xeena

Wala kasing pera ngayon si Taba kaya binigyan sya ni Mata (Xeena). Ganun naman sila e, kung sino ang meron sya ang magbibigay. Give and take lang kumbaga.

So kinuha ko na nga yung perang inabot sa akin ni Xeena at bumaba na sya ng Jeep. Eeehh? Hindi pa din pinansin ni Taba si Xeena kahit bumaba na to? -______- ABNORMAL :/

Bababa na kami ng Jeep kasi nandito na kami sa Farmville City.

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

Biglang nagsalita si Marj habang naglalakad kami sa ilalim ng ulan. Opo nagpapaambon kami kasi naman e wala kaming payong. ^__^V

"be gusto ko nang kalimutan si Xeena" - Marj

Hindi ko sya pinansin kasi ilang beses nya ng sinabi sa akin yan e. Yan ang laging sinasabi ni Marj pag nag-aaway sila pero di naman nya kayang gawin. -___-

"uy be? gusto ko na nga sya kalimutan" - Marj

"ewan ko sayo. tangina mo dati mo pa yan sinabi e." - Ako

"haha e kasi naman e seryoso na nga ako." - Marj

Naglakad na lang ako nang naglakad. Maya maya may tinapon si Marj

"hoy? gago ka bakit mo pinutol yung sim mo?" - Ako

"kakalimutan ko na nga si Xeena" - Marj

Pinulot ko yung sim na pinutol nya. Di pa naman sya totally na putol medyo nagcurve lang sya. Iniabot ko sa kanya pero ayaw nya tanggapin. Haist! Ang hirap naman ng ganito. Ako naiipit sa sitwasyon nila.

Malapit na kami sa bahay nila at tahimik pa rin kaming naglalakad.

Pagdating namin sa bahay nila, agad agad ko namang kinuha yung phone ko at tiningnan kung may nagtext.

2 messages received

From: Tweety :)

Ingat po sa pag-uwi. Mamimiss nanaman kita! Sana dito ka na lang tumira. :(

From: Tweety :)

Thank you nga po pala sa Kiss. <3 Sorry kung di kita kiniss kasi nahihiya po ako e. Kinikilig nga ako nung kinikiss mo ko. :)

O_________O OH MY GOSH! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Thankyou daw? Hahaha. Abnormal na batang yun. Nagpasalamat dahil kiniss ko sya? HAHAHA! Laughtrip ang walangjo na yan. Nako bata nga naman talaga oo.

To: Tweety :)

Salamat. Haha bakit ka nagtethankyou? Baliw to.

Send √

1 message receive

From: Tweety :)

Kinikilig po ako kagabi. Kasi nakatabi kitang matulog tapos kiniss mo pa ako. Ang kulit kulit mo nga e lasing na lasing ka. Haha! Kinikiliti mo pa ako.

HAHAHA! Eeeeehh? Bakit nya pa inoopen up yang topic na yan? Ang awkward kaya no? I'm shy na tuloy keshe nemen eh <3.<3

To: Tweety :)

Baliw ka talaga. Wait lang palit muna ako ng damit! :) I'll be back.

Send √

Vote and Comment for this Part. :) Follow me and I'll follow you back.

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon