Advice

38 2 0
                                    

Sa relasyon, hindi naman sukatan ang estado mo sa buhay, edad, kasarian o ang pananaw mo sa buhay. Kasi di mo naman mapepredict kung sino ang mamahalin mo e. Once na pinana ka na ni Kupido, wala ka ng magagawa kundi tanggapin na lang ito.

Nainlove ako sa kapwa ko babae. Nainlove ako sa mas bata sa akin. Nainlove ako sa mayaman. Pero nainlove din naman sya sa akin. Hindi mo pwedeng turuan ang puso mo. Hindi mo pwedeng sabihin na, ay hindi sya karapatdapat sa akin kasi mahirap sya. Hindi ganun! Kasi ang love, bigla mo na lang mararamdaman yan. Hindi ka pwedeng pumili ng taong mamahalin mo.

Kahit na parang langit at lupa ang agwat namin ni Tweety, pinagpatuloy pa din namin ang pagmamahalan namin. Kasi dito kami masaya e, mahal namin ang isa't-isa. Tanggap namin ang pagiging imperpekto namin. Tanggap namin ang bawat isa. Mahal nya ko, mahal ko sya. Mahirap man ako at mayaman sya, hindi yun naging hadlang sa amin. Kasi totoo yung pagmamahal namin sa isa't-isa e. TOTOONG TOTOO!

Kaya ikaw, kung may minamahal ka man at katulad ka din namin, wag kang susuko kung alam mong mahal ka din nya. Labanan mo lahat ng hadlang, wag kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba. As long as wala kang tinatapakan/inaargabyadong tao ipagpatuloy mo lang yan.

Alam mo ba na ginawa ni God ang mata, tenga, kamay at paa ng may kapareha dahil mahihirapan tayo kapag isa lang? Ganun din ang puso. Pero ginawa nyang 1 lang ang puso ng tao dahil yung kabiyak nito e ibibigay nya lamang sa tamang panahon, sa tamang lugar at sa tamang pagkakataon. Kaya ikaw, wag kang magmadali na magkaroon ng boyfriend/girlfriend. Dadating at dadating din sayo yan, ang kailangan mo lang sa ngayon e mag-antay, mag-excert ng maraming patience dahil baka natraffic lang yung taong nakalaan sayo. Wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Tandaan mo, maraming tao sa mundo at may nakalaan na isang tao dyan para lang sayo.

Maraming salamat sa inyong lahat. :)

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon