Part 39

62 2 2
                                    

Isang linggo na ang dumaan pero di pa din maalis sa puso ko yung kabang nararamdaman ko. Lalo na nung nagbukas ako ng facebook. May nabasa kasi ako e. Hindi ko na masyadong maalala pero ganito yung gusto nyang iparating.

Marami na talagang plastik na tao ngayon no? Bagong kakilala pa lang pinapakita na agad yung tunay na ugali. Hindi na nga nakakakain ng kapwa.

Like   Comment    Share

Ganyan yung unang pinost ni Jessa. Oo yung bakla na nakasama ko doon sa bahay nila Tweety? Bestfriend kasi yun ni May may e.

Nagtataka lang ako sa sinabi nyang di na nakakakain ng kapwa. Ano yun? HAHAHAHA!

Pagkatapos kong mabasa yun iniscroll ko ulit at may nakita pa akong isa.

Porket nalaman nya lang na may gusto yung girl sa kanya, aga aga nya naman itong niligawan. Kahit alam naman nyang may jowa ito. Kapal talaga ng face. Ikaw na!

Like   Comment   Share

(Hindi ganyan yung pagkakatype nya. Jejemon po talaga yung pagkakatype nyan inayos ko na lang kasi baka pumangit pa tong story ko. XD)

Wow naman diba? Nung nalaman ko daw na may crush sa akin si Tweety agad agad ko daw niligawan? Tinde mo tol! Hindi nya naman alam yung buong story kung makapagsabi naman ng niligawan ko. :/ Asar amputa! Ni hindi ko nga niligawan yun e. Tss! Isa pa di ko naman alam na jowa nya pala si May may that time. Ugh! -____- Imemessage ko si Tweety ngayon. Iniscreenshot ko na yung post nung Jessa na yun para ipabasa ko sa kanya.

Ako: Tweety, tingnan mo yung pinost nung Jessa! :/ Tss. *insert photo*

Mga ilang minutes e naseen na nya at nagtatype na sya.

Tweety: Hayaan mo na lang yan Baby. Sinabihan ko naman na sila e.

Ako: Hayaan? Eh ako na tong nagiging masama sa paningin nila e. Hindi naman kita niligawan diba? Saka di ko rin naman alam na kayo ni May May. :/

Tweety: Kaya nga po. Hayaan mo na lang po sila.

Ako: Hindi. Ako na yung nagiging masama e. Sabihin mo sa kanya hindi naman kita niligawan.

Tweety: Alam nya naman po yun e.

Ako: Alam? Tss. Saka hindi ko naman alam na kayo pala ni May May that time ah? Tingin mo ba papatulan kita kung alam kong kayo ni May May? Tss.

Tweety: Sorry na po baby ko. :(

Ako: Ang landi mo kasi e. Sana sinabi mo na sa akin noon na kayo ni May May para walang tayo ngayon diba? Pasabi sabi ka pang 1yr and 5 months kang single e mag-iisang taon na pala kayo ni May May ngayong July. Ang landi mo! :/

Tweety: Hala? Sorry na po talaga. Hindi na po yun mauulit baby ko. :(

Ako: Alam mo ayoko na e. Itigil na lang natin to para wala silang masabi. Tapos balikan mo si May May.

Tweety: Hala baby ko wag naman po. :( Hindi ko po mahal yun. Ikaw lang mahal ko! Baby ko hindi ko po kaya pag nawala ka. :(

Ako: Tss.

Tweety: Sorry na Baby ko. Hindi na po mauulit! Mahal na mahal po kita. :( Baby ko!

Ako: Ang landi landi mo kasi! Tss.

Tweety: Sige po sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa akin. Tatanggapin ko po lahat yun wag ka lang pong makikipagbreak :( Baby ko, mahal na mahal kita.

Nakakainis talaga! :/ Ayoko sa lahat yung nagmamakaawa kasi madaling lumambot puso ko e. :/ Wag ko na lang muna syang replyan para hindi na humaba pa yung usapan.

Nung hindi ko na sya nirereplyan ayon, tinadtad ako ng messages na nakasad face. :/ Tinext ako ng puro SORRY. Ugh! Nakakaasar. Magpapauto nanaman yata ako sa batang to ah? Haist. :/

Ilang oras pa ang lumipas e tadtad na tadtad na yung chat box namin pati inbox ko.

Ako: Oo na. I'll give you a last chance. Pero wag mo kong masisi-sisi kapag ako naman ang nagloko.

Tweety: Opo baby ko. Salamat po! Thankyou po talaga kasi binigyan mo pa ako ng chance. Mahal na mahal po kita baby ko! I love you po.

Ako: Okay lang sayo na timerin kita?

Tweety: Hindi po.

Ako: Hindi okay sayo pero tinimer mo ko? Ayos ka ah?

Tweety: May gf ka na po ba?

Ako: Oo meron. 2 kayo!

Tweety: Eh sino po yung isa?

Ako: Si Amy

Ako: Okay lang sayo na dalawa kayong GF ko?

Tweety: Okay lang po sakin. At least tayo pa din! Mahal na mahal po kita. :*

Ay gaga ang wala! Haha. Okay lang daw sa kanya na dalawa silang Girlfriend ko? HAHAHAHAHAH siraulo. XD

Tweety: Lagi po kayong nagkikita?

Ako: Oo syempre. Malapit lang bahay nila dito kila Marj e.

Tweety: Buti pa kayo! :( Matagal na po ba kayo?

Ako: Oo matagal na kami 2 years na kami e.

Tweety: Ah :(((((

Abnormal din tong babaeng to e no? Okay lang sa kanya na dalawa silang gf ko at least daw kami pa din? HAHAHAHA! Ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong klaseng babae. :D

Ako: Baliw ka no? Okay lang sayo na 2 kayong girlfriend ko? Abnormal ka ba? Hindi naman ako katulad mo no.

Tweety: Eeehhh? Mahal po kasi kita kaya okay lang.

Ako: Baliw ang wala. Hindi kami ni Amy! Niloloko lang kita. As if naman na gagayahin ko yung ginawa mo no? Pasalamat ka Mahal kita kundi, nako baka iniwan na kita. Tss

Tweety: Talaga po? Hindi po kayo? Ako lang po Girlfriend mo?

Ako: Malamang ikaw lang. Anong tingin mo sakin? Malandi kagaya mo? Tss. Wag mo kong itulad sayo.

Tweety: Yehey! I love you na talaga baby ko. :* Mahal na mahal po kita. Promise baby ko di na po mauulit yun.

Ako: Promises are meant to be broken. So don't make any promises just prove it to me!

Tweety: Sige po baby ko I love you po.

Masyado na ba akong Harsh sa kanya? Nakakainis naman kasi talaga e diba? Ikaw kaya sa posisyon ko? Hmp. :/

to be continue...

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon