Part 10

78 3 0
                                    

Midnight na

Umakyat na sila Xeena, Tweety, Vince sa taas kasi pinaakyat na ni Tita Melai si Tweety para ayusin yung higaan dun sa Master's Bedroom. OPO! DUN PO KAMI MATUTULOG! :O kahit ako nagulat din e. Paano kasi uuwi na dapat kami nung 11:30 pm kaya lang ang sabi ni Tita Melai "nako wala ng bus ngayon. dito na kayo matulog tapos bukas ng umaga na lang kayo umuwi." Hala? Nanlaki mata ko nun e.

At dahil dito nga kami matutulog, ang ginawa ni Tita Melai, dun kami sa kwarto nila ng partner nya tutal nasa ibang bansa pa naman yung Kano.

Inayos na ni Tweety yung higaan namin, nilagay nya yung mga foam nila. Tapos dun sa kama matutulog sila Tita Melai, Tita Liz at Vince. Tapos kami naman dun sa foam na nilagay ni Tweety. Bale ang arrangement namin e ganito.

( Tweety-Rox-Ako-Xeena-Marj )

Tapos nagkukwentuhan pa kami nung nandun na kami sa kwarto. Ito namang si Tita Melai e talagang nakucurious sa boobs ni Rox, kasi naman po malaki. Sorry for being perv but it's the truth.

"Rox, totoo ba talaga yang dede mo?" - Tita Melai

"opo naman." - Rox

"we di nga? patingin nga ako" - Tita Melai

Bigla nyang hinablot yung damit ni Rox at sinilip nga yung boobs nito.

"hala Rox totoo nga!" - Tita Melai (may halong pagka-amaze)

"sabi ko naman po sayo totoo to" - Rox

"ang laki kasi e samantalang ako parang monggo lang" - Tita Melai

Tawa ako nang tawa nung sinabi yun ni Tita Melai e. Hahahahaha monggo kasi e no? XD

Pagkatapos nun e biglang may nilabas na kulambo si Tita Liz. (ewan ko ha? pero hindi sila nakakatulog ng walang kulambo sa paa lalo na si Xeena) Kaya yung nilabas yun ni Tita Liz e nakita ni Xeena.

"Tita Liz penge naman ako" - Xeena

"oh! mahaba naman to e" - Tita Liz

Dahil nga sa nakita nyong arrangement namin sa pagtulog e nadadamay kami sa kulambo. Urat na urat pa naman ako pag may kulambo pati si Tweety naurat kaya lumipat sya sa tabi ni Xeena which is sa pagitan namin. Bale katabi ko na din sya (para-paraan ni tweety e no?)

"ate Rox dun ka na lang sa pwesto ko." - Tweety

"hoy Tweety bumalik ka dito sa higaan mo. nako gusto mo lang tumabi kay Jheng e" - Tita Melai

"hala hindi naman e" - Tweety (habang pabalik na sa higaan nya)

Mga ilang minutes siguro ang lumipas e medyo tumahimik na ang kwarto. Mga tulog na po sila, giniginaw na ko dito paano ba naman ang laki kaya ng aircon nila. Kahit na ang dami namin e sobrang lamig. Mga ilang minuto pa ay nakatulog na din ako.

Dinededicate ko tong Part na to kay Tweety. Haha! Sana someday mabasa mo to, I love you! <3

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon