Part 62

36 3 0
                                    

Inuman na this :)

Nandito na nga kami sa bahay nila Marj. Medyo marami rami din kami, sila Eysh, Kris, Xeena, Marj, Ako, Maricar. Ang awkward lang kasi magjojowa sila Eysh <3 Kris tapos Marj <3 Xeena tapos kami ni Maricar e mag-EX! Wayup ganda talaga ng timing.

Movie Marathon lang kami nung una kasi nandito pa yung kuya nila Marj e. Nung bandang 3 na ng hapon niyaya ko ng bumili si Eysh.

Kachat ko nun si Amy (kaibigan din namin na maganda) sabi ko magkita kami sa mini-mart kasi sasama din sya samin magshot.

So ayon na nga, lumabas na kaming dalawa ni Eysh at nakita na namin si Amy.

"asan na pera mo?" - Ako

"nasa bulsa ko" - Amy

"patingin? ikaw bibili ng pulutan ah?" - Ako

"seryoso?" - Amy

"oo bakit?" - Ako

"hala gagi wala akong dalang pera. HAHAHAHA" - Amy

"hala gago ka ikaw bibili ng pulutan e" - Eysh

"tara punta tayo sa bahay nyo kumuha ka ng pera mo" - Ako

At ayon na nga pumunta kami nila Eysh, Amy at Ako sa bahay ng bruhildang babaeng to. Shunga ever talaga to! Hahaha.

Nakakuha na sya ng pera at naglakad na nga kami papunta dun sa bilihan ng alak.

"kuya magkano empi lights yung litro?" - Eysh

"120" - Manong

"isa nga po." - Eysh

Tapos ayon kumuha na si Kuya. Pagkakuha ni kuya e nagtututuro naman ako ng pulutan namin.

"saka chippy kuya, tapos roller coaster, tapos cracklings, saka v-cut, yan ding kropek" - Ako

"hala gago ka be ang dami." - Amy

"tanga 51 lang lahat. sapakin ko ngala-ngala mo e. HAHAHA" - Ako

"tangina mo talaga be" - Amy

So ayon na nga nakabili na kami. May yelo naman na dun kasi gumawa ako nung isang araw binuksan kasi namin yung ref nila.

Pagdating namin dun e ayan na, kumuha na ko ng jag tapos mga baso. Hinalo ko na yung juice at si Xeena ang tanggera. Umiinom kami habang nagmomovie marathon. :)

Sila Eysh at Kris magkaakbay si Xeena at Marj naman magkayakap. Samantalang kami ni Maricar, NGANGA! Haha. Inaasar nga nila kami e.

"kayo muna ni Maricar yung partner ngayon Jheng" - Eysh

"ulol" - Ako

Si Maricar naman nag sign ng ./. ganyan kay Eysh! HAHAHAHA. Kupal ka ah? Pero sa totoo lang naiinggit ako sa kanila kasi naman kasama nila yung love one nila. Samantalang ako, wala ng balita dun sa 12 years old na yun. :( Buhay pa kaya yun? Haha.

Si Amy naman e walang pakealam sa nangyayari basta papak lang sya ng papak ng chitchirya. Wayup na to ginawang kanin yung pulutan -____-

Mga ilang oras na yung nakalipas e shenglot shenglot na kami. Bumaba ako para kunin yung dalawang gitara. Mga pass 6 na ng gabi nun e! Ayon naggitara ako tapos kantahan naman sila habang ako nag-iistrum. Madami kaming kinanta.

- Magkabilang Mundo

- Mahal na mahal

- All of Me

- Ikaw at Ako

- Pagsuko

- Kisapmata

- Huling El Bimbo

- Adik Sayo

Basta marami pang iba shenglot na ko kaya di ko na matandaan yung iba. Nagselos pa nga si Marj kasi tinuturuan nya si Xeena na maggitara kaso di naman sya marunong, beginner pa lang sya kaya nalilito si Xeena sa kanya so sabi nya te ikaw nga magturo sakin.

"tangina mo talaga wala kang tiwala sakin. lumayas ka ditong hayop ka" - Marj (ganyan po talaga sila pag nag-aaway)

"hala? hindi ko kasi maintindihan sayo e." - Xeena

"ulol pakyu. tangina mong hayop ka!" - Marj

Nag-away nga sila nun. Tinuruan ko naman si Xeena dun sa chords na gusto nyang matutunan.

"pupunta ka talaga te sa saturday sa cavite?" - Ako

"oo te" - Xeena

"wag na dito ka na lang matulog" - Ako

"gago hindi pwede kasama ko sa sabado sila kuya na pumunta dun" - Xeena

"babalik naman ako bukas e" - Xeena

"balik ka te ah?" - Ako

"oo bakit ba?" - Xeena

"may papadala ako :)" - Ako

Syempre miss na miss ko na si Baby e. 2months akong walang balita sa kupal na yun e kaya napag-isipan ko na gumawa ng letter sa kanya.

"be sama ako pag hinatid mo si Xeena ah?" - Ako

"ge" - Marj

Mga ilang minuto lang ang nakalipas e nakatulog ako. Maya maya may gumising sakin.

"be halika na" - Marj

Dali dali naman akong tumayo at lumabas na kami. Shit! Nakaramdam ako ng pagka-ihi! Naiihi na ako sobra.

"be naiihi na ako" - Ako

"mamaya na sa bahay" - Marj

Naihatid na namin si Xeena sa sakayan at pabalik na kami.

"be di ko na kaya tricycle na tayo?" - Ako

"gago wala tayong pera" - Marj

Tiniis ganda ko na lang yung ihi ko. Pagkauwi namin diretso ako sa cr e. Grabe ang sarap sa feeling nung na withdraw ko na yung ihi ko. :)

Dumiretso naman ako sa kwarto ni Marj at kumuha ng papel at ballpen. Nagsulat ako ng love letter. Oo baduy kung ituturing tulad ng sabi ni Eysh pero alam ko isa to sa mga kinakikiligan ng babae. May naexcert na effort kasi e diba? Isa pa, ito na lang yung way para makamusta sya kaya kahit lasing na ako e sulat pa din ako ng sulat. Sumakit nga yung kamay ko e. Pero ayos lang, worth it naman kapag nabasa na ni Tweety diba? <3

So tapos nun ayon na nga, mga 8 na ng gabi nung dumating si Razon. Kaibigan din naming kasing laki ng aparador. HAHAHAHAHA! (peace razon)

"bat ngayon ka lang?" - Ako

"yan tayo sis e. tokisan ang wala" - Eysh

"hala hindi nga ako pinayagan. tumakas nga lang ako kay mama e  uuwi din ako ngayon" - Razon

"tss" - Eysh

Bibili pa dapat ng isa pang alak yung long neck kaso wag na lang. Bumili na lang kami ng pancit canton pati itlog.

Si Razon naman yung nagluto dun sa kusina kasi nga shenglot na ako e.

"bait talaga ni Razon!" - Ako

"ulol ikaw maghuhugas" - Razon

"hahahahaha" - Ako

Nung matapos syang magluto e umakyat na kami dun sa taas. Dun kasi kami sa kwarto ni Maricar e. Pag-akyat namin dun nakaayos na yung tutulugan nila Eysh at Kris. Opo dito sila matutulog.

Kumain na kami ng pancit canton. Ito namang si Razon laughtrip sakin. Tangina nito tawa sya ng tawa hindi makaget over ang wala.

Maya maya bumaba na ako kasi ang sakit na ng ulo ko e. Lasing na rin kasi ako. Nagpray muna ako kay God at tumabi na ko sa bestfriend kong tulog na tulog na.

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon