Part 59

42 3 0
                                    

Nagfefacebook ako ngayon. May nakita ako sa isang group sa University namin. Bukas daw August 18, 2014 nandun si Alex Gonzaga. Kasi endorser sya ng Maybelline! SHET CRUSH NA CRUSH KO YUN E. <3 Oh my gosh! :)

So nagpost ako sa facebook nung malaman kong nandun si Alex My Love! <3

Papasok talaga ako bukas kasi magpapapicture pa ko kay Alex Gonzaga. <3

Like   Comment    Share

Matutulog na ko shit! Sobrang kinikilig ako ngayon. Tae, kahit anong mangyari magpapapicture talaga ako kay Alex bukas.

Kinabukasan

Papasok na kami. Sinuot ko yung damit kong camouflage tapos pants na brown and top sider. Kenekeleg eke! Makikita ko na yung ultimate crush ko mamaya. Emegesh! <3

So ayon, nung nasa school na puro lesson, puro discussion. Nadaanan din namin kanina yung Maybelline products na nakaayos sa bridge way ng University namin. I'm so excited na talaga! :)

Nung uwian na niyaya ko ang aking batalyon na sumugod dun sa bridge way.

"ate, what time po si Alex Gonzaga pupunta?" - Marj (tinanong yung parang sales lady ng Maybelline)

"ah. mamaya pa pong 2" - Babae

"ah. pwede pong magpapicture?" - Marj

"yes ma'am. pero po kailangan nyo munang bumili ng kahit na anong product ng Maybelline and ililista ko yung name mo dito. first 100 lang po! bale may 46 ng nakalista dito." - Babae

"ah. so bibili muna kami?" - Marj

"yes ma'am" - Babae

"sige po" - Marj

At dali dali kaming pumunta dun sa mga products. Potek! Kahit na nakakahiyang bumili dito dahil tibo ako e okay lang sakin basta makapagpapicture lang ako kay Alex my Sexy Love! <3

"be yung lip balm na lang" - Ako

"te magkano yung lip balm?" - Marj

"89 pesos po" - Babae

So bumili kami ng dalawa. Tag-isa kami para pareho kaming makapagpapicture kay Alex. Binigyan kami ng lace para tanda daw na bumili kami ng product. So inantay na namin mag two kahit na 12 pa lang ngayon. Kaya kong mag-antay para sayo Alex my Sexy Love! :)

Habang nag-aantay kami e selfie selfie muna! Haha. Nakakabagot kaya. Hmp! Ang dami nanamang tomboy dito, tapos kung makatingin pa wagas. Edi kayo na gwapo! Pwe -____-

Lumipas ang 2 oras at ayan na. Nagkukumpulan na kaming lahat dun. Tangina, samu't sari yung amoy shet! Yung naghaharang samin na lalaki puta amoy regla yung hininga shet. HAHAHA! Seryoso nga ako promise ang baho ng hininga. Tapos amoy putok naman tong mga katabi ko. Yung nasa likod ko naman hayop. Kung makaakbay sakin akala mo magkakilala kami. As in tinanday nya talaga yung kamay nya sa balikat ko. Badtrip nga ako e, lalaki pa naman yung kupal na yun.

Maya maya ayan na, si Alex Gonzaga.

"SHET BE ANG GANDA NYAAAA" - Ako

"OO NGAAAA" - Marj

"ALEX PINUPUTOK NA KO DITOOOOO" - Babaeng nasa likod

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA LAUGHTRIP AKO SA SUMIGAW NA YUN AH? HAHA.

"usog po kayo usog" - Naghaharang samin

Edi umuusog naman ako maya maya e may nanunulak na sa likod. Tangina badtrip na ko pinagtututulak ko na din sila e. Asar kaya. Pawisan na ko nun, sobrang haggard. Grabe nakakahiya naman yung itsura ko nito shit. :/

Mahal kita, kahit ayaw nila. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon