Bro 3

400 12 0
                                    

CHAPTER 3: Pagpapakilala
YI- AN'S P.O.V.

"Jieun, hoy Jieun! Jirenia Eunice!" sigaw ng prof namin, e tulog na naman kasi e

"yes prof?" si Jieun na parang walang nangyari

"1st day na 1st day tinutulugan mo ako! wow ah!" prof

"napuyat po ako e" aba at sumasagot pa, kilala namin yug prof namin ngayong umaga dahil siya rin yung prof namin noon sa subject na to.

"napuyat? Saan? Sa anime?" may pagkasarcastic na sabi ng prof

"oo maam. Nakita niyo na po ba yung 'Your Name'? Naku po ang ganda ng twist ng story, may sumabog pong asteroid sa Itomori at--"

*riiiinnngggg*
biglang nagring ang bell

"at biglang nagring ang bell, wooh" sabi ko na nga ba at yun ang sasabihin niya.

"save by the bell ms. Torrenueva. Class dismiss" prof.

Niliglit ko na yung gamit ko at tumayo, ganon din si Jieun.Naging kaibigan ko to last year lang, bago pa lang pero kabisado ko na ugali. Di naman kami close niyan, fc nga lang siya pero di naman makulit, may mga kaibigan yan at sumasama lang yan sakin tuwing absent yung mga kaibigan niya.

"Yi- an tara na" siya, wala yung mga kaibigan kaya sasama daw siya sakin

"andiyan na" ako at sumunod sa kanya.

Ang mga subjects sa Quintero new at dito sa amin ay magkatulad lang except lang sa last subject sa morning dahil nakadepende na yun sa kung ano yung section namin. Gaya ko, nasa songwriting section ako kaya yun ang last subject ko sa umaga. 4 na section lang ng sr. high ang meron sa school namin at sa school nila neesan Yuri, ang songwriting, painting, drawing at photography.

Tahimik kaming nakaupo sa cafeteria ni Jieun habang kumakain at kanya kanyang halukay sa mga cellphone namin. Bigla namang nagtext si dad kaya tinawagan ko agad si neesan Yuri.

"hello neesan... nalaman mo na... nga pala dumating na si neesan Jess at sumama ka raw sakin umuwi, okay lang... yun lang... sa school niyo, sige... bye..." ako

"ate mo?" Jieun

"hmm..." ako

"bakit daw?" siya

"don daw maglalunch sa school nila" ako, napatango naman siya.

"pero babalik ka mamayang hapon?" siya

"di ko alam eh, susunduin pa kasi namin si neesan Jess sa Pampangga" aki, nasa Clark, Pampangga pa kasi siya.

Kinuha ko naman yung box ko saka kumain ng cookies.

"ikaw gusto mo" alok ko kay Jieun

"pahingi" siya at kumuha. Nilagay ko naman yung box sa mesa.

Hi there guys! i am Mark Yi- an Leland, badoy ng pangalan no, pero wala na akong magawa.

Nong una napagkasunduan namin ni neesa Yuri na mag aral sa new Quintero kaso, wala lang, bigla ko nalang gusto mag aral dito. Di naman dahil kay Jieun, di nga kami close non.

Nag iisang lalaki ako sa 4 na magkakapatid, ako rin yung bunso. Namatay si mommy dahil sa aksidente, 2 years old palang ako non.

Gustong gusto ko ang pagluluto pero mas gusto ko ang magsulat ng kanta at magtheater play. Marami rami na akong naisulat na kanta pero ni isa don ay hindi ko pinaparinig kahit sino. Di ako socialized na tao o friendly, ayoko sa mga mataong lugar pero di ako loner. Nasanay na rin aki na babae ang mga kasama ko dahil sa mga ate ko. At kung tatanungin niyo ako kung bakit neesan tawag ko sa kanila, mas prefer ko tawagin silang neesan kasi parang name lang siya, nakakahiya kaya ng ate. Di naman sa ikinakahiya ko ko sila bilang ate pero ayoko lang talaga sila tawaging ate.

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon