Bro 19

175 8 0
                                    

CHAPTER 19: Brothers'  life
YEOL'S P.O.V.

"Upgrading complete" sabi ni Chip kaya napalingon kami sa kanya. Nasa sala kaming lahat maliban kay Hyun na nasa kwarto niya.

"wala na tayong magagawa ngayon" biglang sabi ni Jun hyung

"ano po ang ibig niyong sabihin" Sese

"wala ng ibang sinusunod na tinig si Chip kundi ang tinig ni dad" Jun hyung at saka lumapit sa DS.

"Chip, open the door" utos niya pa, pero nag red ang button ni Chip na ang ibig sabihin ay hindi ito sumusunod sa utos ni Jun hyung. Napabuntong hininga nalang si Jun hyung saka umupo sa sahig.

"pano ba yan, tayo tayo nalang talaga. Pag pasensiyahan  mo ako Dae, di tayo nakapagbeach kahapon dahil sa natagalan ako sa pagahatid kay Aeris. Inayos ko muna ang lahat eh bago ko siya iniwan" siya

"ayos lang po yun, basta nasa mabuting kalagayan si Aeris" Dae, at natahimik kamj uli.

Kaming 8 na lang talaga ang naiwan sa bahay. Busy si kuya Yi dahil siya na ang tumulong kay dad. Yung mga kasambahay naman namin, iniiwasan na nila kami, parang lumulugar na talaga sila. Si Lala Ling nga madalang nalang kaming kinakausap. Mukhang pinagsabihan na sila ni dad kung ano ang dapat nilang gawin bilang kasambahay.

Sa halip na magmukmok sa sala, hindi ko na matiis ang labis na katahimikan. Pumunta ako sa kwarto ni Hyun, makikipagkwentuhan nalang ako don para di na ako mabagot.

Pagkatayo ko palang sa pinto ay bumukas na ito. Pero laking gulat ko ng makita kung ano ang kalagayan ni Hyun. Nasa sahig siya, sa may sulok ng kama nakahawak sa ulo niya. Dali dali naman akong lumapit sa kanya, at don ko nakita ang walang lamang pakete ng gamot.

"Hyun anong nangyari?" ako

"naubusan na... ako ng gamot, ugrr..." siya habang nakahawak parin sa ulo niya.

"ha? eh 3 box ang binili natin last week ah, imposible naman ata yun" ako

"pinadala ko kay Aeris... ang 2 box at... 3 pad... kaya isang pad... nalang ang natira... para sakin" nahihirapan niyang sabi

"wala ka na talagang gamot?" ako, umiling naman siya habang iniinda pa rin ang sakit ng ulo niya.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta uli sa sala.

"Jun hyung, wala ka na ba talagang magagawa" ako

"bakit? Lalabas ka?" Min hyung

"oo sana" ako

"bakit?" kuya Jun, napaisip naman ako ng idadahilan

"gusto ko sana mag pool eh" ako, napalingon naman sila sakin na parang di makapaniwala. Ba't nga ba iyon ang naging dahilan ko, eh hindi naman ako pala ligo. Bahala na, panindigan mo Yeol.

"seryoso Yeol, ikaw maliligo?" Dae, tumango naman ako

"oo naman, maliligo kaya ako" ako

"sorry Yeol pero wala tayong magagawa. Sa tub ka nalang maligo" Jun hyung

"di ako kakasya sa bath tub eh. Wala talagang ibang daanan?" ako

"wala talaga eh" Jun hyung

"may nangyari ba hyung, parang desperadong desperado kang makalabas eh" si Sese, mukhang may nasense na siya kaya mabuti na sigurong shut up nalang ako.

"wala, akyat nalang ako. Pupunta nalang ako sa kwarto ni Hyun" ako at dali daling umakyat sa kwarto ni Hyun.

Naabutan ko siyang sumisigaw sa unan para di siguro marinig ang sigaw niya. Dali dali naman akong umakyat sa kama niya.

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon