Bro 21

199 7 0
                                    

CHAPTER 21: Be with him
AERIS' P.O.V.

"pano mo nalaman address ko?" tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Pinapasok ko naman siya agad.

"sabi kasi ni kuya Jun, kung may vacant daw ako dadalawin daw kita" si Yi- an, siya yung kumatok kanina

"eh, ba't nagdala ka ng mga gamit" ako

"titira ako dito, kasama ka" siya, nanlaki naman ang mata ko

"aba, sinong nagsabi sayo na pwede ?" ako

"si Jun hyung" siya

"ewan ko sayo, bahala ka" ako

"ba't ganyan yang mukha mo, ang dungis dungis mo na at... umiyak ka?" siya

"yung uling eh, ayaw mag apoy"ako, natahimik naman siya sandali at...

"hahaha..." siya

"wag mo nga akong tawanan, eh sa hindi ako marunong magluto eh, anong paki mo?" ako

"eh, hindi naman talaga nag aapoy ang uling eh, nagbabaga nga lang" siya

"eh pano maluluto ang bigas kung baga lang?" ako

"basta" siya at pumunta sa kusina, sumunod naman ako

"kawawang bigas, ano nang nangyayari sa kusina mo Aeris?" siya, lumapit naman ako. Yung bigas ay parang hilaw na niluto.

"ano bang ginawa mo dito?" siya habang nakaturo sa kaldero na may bigas

"nilagyan mo ng tubig ito no?" siya

"oo, nilalagyan naman talaga iyan ng tubig eh" ako, napahawak naman siya sa noo niya.

"saka mo lang yan lalagyan ng tubig pag umaapoy na ang kalan mo" siya

"ahh... ganon pala iyon" ako sabay tango

"mabuti nalang nagdala ako ng pagkain. Kumain muna tayo saka mo liligpiti ito" siya

"aba, ba't ako?" ako

"eh kalat mo yan eh" siya

"sige na nga" ako, hinanda naman namin ang mesa.

"ikaw nagluto nito?" tanong ko sa pagitan ng pagkain namin, tumango naman siya. Sinigang na shrimp yung dala niya.

"Yi- an turuan mo naman ako magluto oh" ako

"bukas, gumising ka ng maaga, tuturuan kita" siya

"sana talaga madali akong matuto" ako

Buti nalang talaga at dalawa ang kwarto dito. Malaki ang pasalamat ko na dumating si Yi- an. Kung di siya dumating, di ko alam kung makaka- dinner ako ngayon.

Maaga akong nagising kinabukasan, saka sabi ni Yi- an tuturuan niya daw akong magluto diba, medyo excited na nga ako eh. Hindi ko siya nakita sa sala kaya pumasok ako sa kwarto niya. Tulog pa siya ng madatnan ko siya, nakita ko ang unan sa may paa niya, kinuha ko naman iyon at ibinato sa kanya. Head shot.

"Yi- an! Bumangon ka na, tuturuan mo pa ako magluto!" ako sabay alog sa kanya

"simulan mo na" siya habang nakatalukbong ng kumot

"eh di nga ako marunong eh, pano ko sisimulan" ako

"mauna ka na nga don, ang ingay ingay mo, labas" siya

"wow ah, kung makataboy akala mo naman bahay niya tss... " bulong ko habang naglalakad palabas ng kwarto at pumunta na sa kusina.

"ba't ba kasi ang hirap mong paapuyin" ako habang nakapamewang na naka tingin sa uling

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon