CHAPTER 24: The Avila's
3rd PERSON'S P.O.V.Nasa kwarto niya si Aeris ngayon, nakatulala sa bintana at iniisip ang mga taong iniwan niya sa Pilipinas. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin, lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto at minsan hindi pa kumakain.
"Aeris, pinapalabas ka ni dad" si Jay, napalingon lang siya sa binata at binalik ulit ang tingin sa bintana.
"you betrayed me, your family betrayed us. Bakit? Ano ba talaga ang kailangan niyo samin?" si Aeris
"you will found out if you will leave this room" si Jay, tumalikod na ito kaya napatayo si Aeris at sinundan nalang ang binata. Naglakad sila sa pasikot sikot na daan ng bahay ng mga Avila. Hindi maitatanggi na sadyang napakayaman ng mga Avila, at alam niyang hindi siya maghihirap kung pera lang ang pagbabasihan.
Nagulat nalang si Aeris ng pumasok sila sa isang maliit na kwarto. May pinindot si Jay dahilan para bumaba ang kwarto, para itong isang maliit na elevator na dinadala sila papuntang underground.
Nakita niya ang tito Patrick niyang nakatayo. Nasa harapan nito ang isang napakalaking vault, kasinlaki ito ng isang kwarto. Makikita sa gilid ng pinto ng vault klase klaseng security password kaya batid niyang napakaimportante at confidential ang nasa loob nito."buksan mo ang vault na iyan Aeris" ang tito Rick niya
"pano kung ayaw ko?" si Aeris
"mapipilitan akong saktan ka. Ang tigas rin ng ulo mo eh no. Napakahirap siguro ang dinanas ni Miko sa pagpapalaki sayo" si Rick, napapikit nalang si Aeris sa inis. Batid niyang wala na siyang ibang magawa kundi ang sundin ang mga Avila. Sa susunod na linggo na rin ang nakatakdang kasal nila Jay at alam niyang matatali na siya sa mga Avila habang buhay.
"ba't di niyo buksan iyan? Sa inyo naman ang vault na iyan diba? Malay ko ba sa mga security password na iyan" sagot pa niya.
"sa tingin mo uutusan pa kita kung kaya naming buksan iyan?" Rick
"anong ibig mong sabihin?" Si Aeris
"that vault was owned by your Family. That was Xanford's property na ibinigay sa amin. It is said na bubuksan iyan if darating na ang araw na maisasakatuparan ang nakatakdang kasal ng magkabilang pamilya. So, better unlock it now." si Rick
Hindi niya alam ang gagawin pero pinili niyang lapitan ang vault. Pinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng sensor hole.
"aray!" sigaw pa ni Aeris at agad kinuha ang kamay palabas sa hole. Nasugatan ang kanyang kamay na ngayon ay pinipigilan niyang umagos ang dugo rito.
Napaangat ang kanyang tingin sa vault ng bigla itong umilaw, senyales na isa yung paraan para mabuksan ang vault, ang dugo ng mga Xanford.
"who are you?" yung intercom sa gilid ng vault
"Aeris Elaina Ocampo" si Aeris, nag 'X' naman ang screen at naging pula ang ilaw ng vault
"try mong sabihin ang middle name mo" suhestiyon pa ni Jay, huminga naman ng malalim si Aeris
"Aeris Elaina Xanford Ocampo" si Aeris, at dahil don, bumukas ang vault. Umusok pa ito at dinig rin ang kaliskis ng pinto dahil sa kalumaan. Mahigit 100 years na rin ang itinagal ng vault na ito at ngayon lang uli ito nabuksang muli.
Nakangiting pumasok si Rick na siyang ipinagtataka ni Aeris. Pumasok rin si Jay kaya sumunod siya. Don niya nakita ang mga pinirmahang papel na nakapangalan pa sa great great grandfather niya na si George Xanford.
"wedding nalang ang kailangan at mapapasatin na ang matagal na hinahangad ng pamilya" si Rick, napako naman ang tingin ni Aeris sa mga papeles at hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
My 1 Dozen Brothers
FanfictionAng librong ito ay tungkol s isang babaeng may 12 na lalaking kapatid. Nalaman niyang sa pagtungtong niya ng 18 ay ipapakasal siya sa isang pamilya na matagal ng ipinag kasundo sa pamilya nila. Maraming naging sakripisyo gang mga kuya niya para lam...