Bro 12

199 7 0
                                    

CHAPTER 12: The Theatrical Play
AERIS P.O.V.

Dali dali akong nagising ng mag alarm na si Chip sabay sabing 'July 20 2018, task: Theatrical performance'

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, magkahalong excitement at kaba. Hindi naman ito ang first time na sumali ako sa mga play, nabibilang nga ako sa theater play dept diba. Kaso first time kong mag perform ng nakikita ng may ari ng school, nakakapressure kaya.

Waaahhh.... di na talaga mapipigilan ang araw, magpe perform na talaga kami ngayon. Tulungan niyo ako ah, haha...

Magkasama kami ngayon ni Yi- an sa back stage, at bakas rin sa mga kilos niyang nape pressure siya.

"okay ka lang ba?" tanong ko

"mas di ka pa okay tingnan kesa sakin" siya

"kinakabahan ako eh, wag nalang kaya tayo tumuloy" ako

"gusto mong bumagsak?" siya

"hehe... okay lang sabay naman tayong babagsak eh" ako sabay ngiti. Napatingin siya sakin kaya napaisip ako uli kung ano yung nasabi ko.

"ikaw ah, bumabanat ka na" siya, sinasabi ko na nga bang iba ang iniisip nito eh, hmp...

"hoy mali ka ng iniisip, masyadong kang green minded. Binibigyan mo ng ibang kahulugan yung sinabi ko" ako

"bahala ka" siya. Tumahimik na naman kami at feeling ko talaga ay di na maipinta ang mukha ko sa sobrang kaba.

"take my hand" biglang sabi niya at inalok ang kamay niya sakin

"aanhin ko naman yan" ako sabay tingin sa kamay niya

"take a breath" dagdag niya pa kaya hinampas ko siya sa balikat habang nakangiti, tumawa naman ang ulol. Nakaka pressure na kaya samantalang siya pinagtitripan pa rin ako, tss.

Bigla nalang siyang umakbay sakin kaya lumingon ako sa kanya, napaiwas siya agad, sobrang lapit ng mukha namin eh haha, madumi talaga utak nito eh. Tiningnan naman niya ulit ako sa mata.

"wag kang kabahan, masisira performance natin niyan. Sige ka, mapapahiya ka talaga" siya

"wow, kung makapagsabi ah, akala mo naman kung di kinabahan" ako, bumitaw naman na siya.

"normal lang kaya kabahan" siya

"see, haha" ako

"basta kontrolin mo lang ang kaba, gagawin natin best natin" siya sabay ngiti, ngumiti rin naman ako sa kanya, nakakahawa eh haha

Napalingon ako sa mga stockholders at ang kambal na nagmamay ari ng school. Kailangan kong gawin ang best ko dahil andito si dad. Isa ito sa mga paraan para maging proud siya sakin. Alam kong proud siya samin kahit di man niya sabihin.

Waaahhh... malapit na matapos ang Ms. Saigon at last performance na ng high school.

Tiningnan ko kung anong oras na at malapit na nga mag eleven. Woohhh...

"Aeris, kaya mo yan, mag tiwala ka sa sarili mo" sabi ko pa sa sarili ko. Lumapit naman sakin si Yi- an saka hinawakan ang dalawang kamay ko.

"kaya natin to. Kumalma ka, alam kong di mo ako bibiguin" siya na deretsong nakita nakatingin sa mata ko, tumango naman ako.

"Thank You students, what a great performance" yung mcee kaya sabay kami ni Yi- an napalingon sa stage at tapos na nga sila magperform. Hinawakan ni Yi- an ang magkabila kong balikat.

"wag kang kabahan, titigin mo ko sa mata hanggang matapos ang kanta, ako bahala sa yo" siya, kahit di ko masyadong naintindihan ang sinabi niya ay tumango pa rin ako.

My 1 Dozen BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon